^

PSN Showbiz

Kita ng PPP mas Tumaas!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Kita ng PPP mas Tumaas!
Unli Life cast

Sharon kinukutsaba si Regine

PIK: Maganda ang resulta at feedback sa pagsisimula ng Pista ng Pelikulang Pilipino nung August 15.

Sa first day nito, naglalaban sa topgrosser ang The Day After Valentine’s nina Bela Padilla at JC Santos, at ang Unli Life nina Vhong Navarro at Winwyn Marquez.

Masayang kinuwento ng FDCP (Film Deve­lopment Council of the Philippines) Chairperson Liza Diño na mas mataas daw ng mahigit 10 percent sa first day earnings nung nakaraang taon.

Kahit nga yung Valentine’s nina Bela at JC ay mas mataas pa raw sa 100 Tula Para Kay Stella nung nakaraang taon.

“I think yung The Day After Valentine’s, more than what they earned last year sa first day, na meet nila.

“At the rest are doing well, nagpi-pick naman yung mga pelikula,” pahayag ni Chairman Liza.

May mga konting problema lang daw silang hinarap lalo na sa hatian ng sinehan pero naayos naman daw nila ito.

Pati ang isyu sa special feature na Balangiga: Howling Wilderness na kung saan hindi muna nagbenta ng tickets ang mga sinehan.

Paliwanag ni Liza, hindi lang daw kasi nakapag-submit ng requirements ang producer, at nung araw lang na ‘yun nakumpleto kaya inayos daw nila agad ang system. Kahapon na lang sila nakapagbenta ng tickets. Naayos naman daw nila ang problema.

Dagdag na pahayag ng FDCP Chairperson and CEO; “We’re working with them every minute. Yung mga tao ko lahat nakatutok…ang dami na namin dapat na gagawin ngayon pero nakatutok kami dahil ayaw namin iwanan ‘yung mga commitment namin sa kanila.”

PAK: Sinagot ni Ogie Alcasid ang ilang naintriga sa post ni Sharon Cu­neta na poster ng concert series ni Regine Velasquez sa Amerika.

Nasa caption kasi sa post na iyun ng Megastar; “Dalian mo na nga my luv ‘yan at tapusin na natin ang mga dapat tapusin! Para maka-tumbling na nang maayos!”

Naintriga ang ilan dahil iba ang interpretasyon nito sa kanila.

Baka raw lilipat na ng ABS-CBN si Regine at magkakaroon sila ng prog­rama ni Sharon.

Ang pagkakaalam daw niya ay may binabalak na back to back concert nina Megastar at Songbird. Pero yung planong paglipat, tingin daw niya walang ganung plano.

“Nag-uusap kasi yung dalawang yun eh, gusto nilang mag-show. So, yun ang pinaplano nila,” pakli ni Ogie na abala sa paghahanda sa nalalapit niyang 30th anniversary concert na gaganapin sa Smart Ara­neta Coliseum sa August 24.

Sabi pa ni Ogie, wala naman daw siyang naririnig na balak na lumipat, at hindi nila ito pinag-uusapan dahil hindi naman daw niya pinapakailaman ang career ng asawa niya.

“Ako, kung saan siya masaya. I don’t wanna…you know mag-dictate sa kanya. May sarili siyang diskarte.”

Kasama si Regine sa OA concert ni Ogie at isa ito sa aabangan ko dahil kakantahin ng songwriter ang mga nagawa niyang awitin para sa kanyang asawa.

Bahagi ito ng mahigit 135 songs na kakantahin niya sa nalalapit niyang concert.

BOOM: Nakakatawa ang kuwento ng ilang styx­lists at make-up artists tungkol sa mapagpalang ina ng sikat na singer/actress.

Sa isang show daw kasi na kinabilangan ni singer/actress, kasama raw itong si mader para bantayan ang kanyang anak.

Nagulat daw sila nang magdala raw ng makakain doon itong si mapagpalang ina para ipa­migay sa mga staff na nandun.

Dalawang basket na punung-puno ng mga tsitsirya ang dala ni mader. Ang isa medyo tinago pa niya dahil mga imported ang laman nito. Yung isa naman ay may mga nakahalong local na pagkain at iyun daw ang unang inilabas.

Ibinigay niya iyun sa mga taong nagtatrabaho sa labas ng dressing room. Yung isang basket daw ay dinala niya sa loob ng dressing room para kainin naman ng mga staff na nandun sa dressing room kasama si singer/actress.

Nagulat daw sila dahil hindi naman daw mahilig magpakain itong si Mommy ni sikat na singer/actress.

Natuwa naman daw sila na kinain ang dala na tsitsirya nito. Naghati-hati na raw ang ilang staff at nilantakan ang tsitsiryang pasalubong sa kanila.

Bago binuksan ni stylist ang isang tsitsiryang nakuha niya, tiningnan niya ang likod ng supot para sipatin kung kailan ang expiry date.

Naku! Tama nga ang hinala ni stylist. Expired ang nakuha niya. Tiningnan nito ang iba pang hawak ng ibang staff. Ayun! Expired din.

Naloka raw ang mga bading, yung isang staff daw ay nahiyang iluwa ang naisubo niya dahil kaharap niya si singer/actress. Pikit mata raw siyang nilunok at nagdasal na lang daw siya na hindi siya mapaano sa kinain niyang expired na.

vuukle comment

UNLI LIFE MOVIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with