^

PSN Showbiz

Maxine pinagpalit sa ibang babae ng model na BF?!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Maxine pinagpalit sa ibang babae ng model na BF?!
Maxine

PIK: Masaya at medyo senti si Ka Tunying Taberna sa opening ng panibagong branch ng Ka Tunying’s Café na pag-aari nila ng asawang si Rossel Taberna na matatagpuan sa departure area ng NAIA Terminal 3.

Ang dating Sen. Robert Jaworski ang nagbukas nito, na idol pala ng ama ni Ka Tunying. Hinding-hindi raw makakalimutan ni Ka Tunying na naging bahagi raw ng pamilya nila ang basketball living legend, dahil fan na fan pala ang kanyang ama.

Dinalaw pa raw ni Jawo si Tatay Tunying nung nasa hospital ito, kaya masayang-masaya raw ito bago pumanaw.

Kasama ni Jawo sa ribbon at ceremonial bread cutting ang Department of Agriculture Usec. Bernadette Romulo-Puyat dahil isa ang KTC sa nagpu-promote ng paggamit ng mga local products na ingredients sa mga pagkaing sini-serve nila.

Medyo maliit lang itong pang-apat na branch, kaya tinawag nilang Ka Tunying’s Café Jr.

PAK: Break na kaya sina Maxine Medina at ang model/actor boyfriend niyang si Marx Topacio?

Matagal na namin narinig na nagkakalabuan na raw ang dalawa, pero wala lang kaming chance na makausap ang dalawa.

Pero sa mga huling post nila sa kanilang Instagram account, hindi na sila magkasama.

Ayon sa ilang nagkukuwento sa amin, babae raw ang dahilan pero wala pa naman sinasabi si Maxine, at kahit si Marx ay tahimik lang din.

Kung totoo nga ito, nakakapanghinayang dahil matagal na ang relasyon ng dalawa.

Nung panahon ng Ms. Universe, sinasabi na noon ni Marx na puwede na nilang pag-usapan ang kasal. Pero mas magpo-focus daw muna sila sa career.

Sinasabi rin ni Maxine na marami pa raw siyang gustong patunayan bilang aktres, kaya dito muna siya mag-concentrate.

Nakapirma ng movie contract si Maxine sa Octoarts, kaya malamang na may gagawin pa siya roon.

BOOM: Bilang hindi na nga matutuloy ang pelikulang pagsasamahan nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, posibleng si Ian Veneracion kaya ang makaka-partner ng Megastar?

Natawa si Ian dahil wala pa naman daw sinasabi sa kanya na meron silang pagsasamahan ni Sharon. Nakakabiruan lang daw nila minsan, pero bakit hindi? Sobrang honored daw siya kung makakasama nga niya si Sharon sa isang pelikula.

“Maybe someday, I hope. She’s someone that I respect, and someone I definitely love to work with in a movie,” pakli ng aktor.

vuukle comment

TUNYING TABERNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with