^

PSN Showbiz

Vhong isang buwan sa jeepney

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Bibisita ang It’s Showtime host at komedyan­teng si Vhong Navarro sa Jeepney TV upang maghatid ng katatawanan bilang Icon of the Month ngayong Mayo.

Ipapakita ng Streetboys alumnus ang kanyang mga galaw sa BTS: Vhong Navarro, isang behind-the-scene documentary special, at sa JTV Star Showcase, isang entertainment special tungkol sa kanyang mga hindi malilimutang pagganap sa telebisyon. Siya rin ay bibida sa Sunday Hi-Way kasama ang mga nakakatawang pelikula na Da Possessed at Gagamboy.

Maliban sa iba’t ibang karakter na ginampanan ni Vhong, magbabalik din ang iba pang mga hindi malilimutang karak­ter na sina Juan mula sa Juan dela Cruz ni Drama King Coco Martin, at Imang mula naman sa Kampanerang Kuba ni Anne Curtis.

Sa Juan dela Cruz, si Juan ay isang ulilang lumaki sa kabaitan at paniniwala sa Diyos. Sa kanyang paglaki, sasali si Juan sa Kapatiran, isang grupo na ang misyon ay ubusin ang mga Aswang. Sa di kaalaman ni Juan, kalahati pala siyang aswang, anak ng Haring Aswang, at ang Anak ng Dilim base sa propesiya.

Samantala, si Imang ay isang Kampanerang Kuba na sinusubok sa buhay dahil sa pangungutya ng mga tao sa kanyang itsura. Kanyang matutuklasan ang totoo niyang mga magulang ngunit ang sakim niyang ama ay haharangan siyang makapiling ang kanyang tunay na pamilya.

Samahan si Vhong bilang Jeepney TV icon sa mga araw ng Linggo nga­yong buwan ng Mayo sa Da Possessed na ipapalabas sa May 14, Gagamboy sa May 21 at sa BTS: Vhong Navarro sa May 28. Tunghayan naman ang Juan dela Cruz tuwing Sabado, 3PM, at ang Kampanerang Kuba tuwing Huwebes at Biyernes, 2:00pm.

 

vuukle comment

VHONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with