^

PSN Showbiz

Singer-actress trip na trip ang may kaagaw sa karelasyon!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Wasak na naman ang puso ngayon ng isang kilalang female personality. Pang-ilang kabiguan na ba ito sa kanyang buhay? Marami na. Pero hindi pa rin siya sumusuko sa paghahanap ng lalaking makakasama niya nang matagal kundi man panghabambuhay na.

Sabi ng isang nakakakilala sa singer-actress ay todo kasi siyang magmahal, ibinibigay niya agad ang lahat-lahat, halos wala na siyang iniiwanan para sa kanyang sarili.

Kuwento ng isang source, “She’s in love with love. Talagang todo siyang magmahal, napababayaan na niya ang sarili niya pati ang ibang tao sa buhay niya kapag may karelasyon siya.

“Alam niya naman na ang bread and butter niya, e, ang showbiz, kapag hindi siya nagtrabaho, e, nganga siya, pero wala pa rin siyang kadala-dala. Sige pa rin siya sa pagmamahal nang wagas na wagas.

“Pinagtatakpan pa niya ang guy, kung anu-ano ang sinasabi niyang trabaho kuno ng lalaki, pero ang totoo, e, jobless naman at sa kanya lang umaasa!

“’Yun ang palagi niyang kalaban, ang lovelife niya. Kapag may karelasyon siya, e, tinatamad na siyang mag-work, para siyang doberman na palaging nakabantay na lang sa lalaki,” matinding sabi ng impormante.

‘Yun daw ang malaking pagkakaiba nila ng isa niyang kapamilya. Marunong sa buhay ang babae, trabaho ang palaging mahalaga sa kanya, prayoridad ng girl ang kanyang career kesa sa pagseseryoso sa relasyon.

“At mas bata kesa sa kanya ang girl na ‘yun, ha? Pero balance ang mga desisyon niya. Nakikipagrelasyon siya, pero hindi niya pinababayaan ang career niya, mas matalino ang babaeng ‘yun!

“E, ‘yung isa kasi, e, parang hindi mabubuhay nang walang karelasyon! Saka gustung-gusto niya sa meron siyang kaagawan! Hindi siya nag-i-enjoy kapag solo lang niya ang guy.

“Kailangang challenging ang pinapasok niyang relasyon, ‘yung meron siyang kaaway na, e, kaagawan pa sa guy. Mas masaya siya kapag ganu’n!” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

AiAi mas pang-Hollywood daw ang career

Napakasuwerte ng Philippine Comedy Queen na si AiAi delas Alas. Pagkatapos siyang tanghaling Best Actress sa New York ay minsan pang kinilala ang husay niya sa pagganap sa ASEAN Film Festival Awards para sa pelikulang Area.

At hindi lang siya ang nagtagumpay, pati ang direktor ng pelikula ay umuwing tenga-sa-tenga ang pagngiti, itinanghal na Best Director si Direk Louie Ignacio.

Bukas na ipalalabas ang kanyang pelikulang Our Mighty Yaya, ito ang pang-Mother’s Day na handog ng Regal Films, sigurado na namang panalo sa takilya ang proyektong ito.

Naalala namin ang isang mahabang kuwentuhan namin ni AiAi. Sinabi namin sa kanya na parang napakagaang karelasyon ng badminton coach na si Gerald Sibayan.

Naturingang batambata ito, pero maayos ang kanilang relasyon, pati ang pagdating ng grasya sa kanya ay sunud-sunod at walang patlang.

“Naniniwala ako sa taong magaan dalhin. ‘Yung masuwerteng ka-partner. Agree ako du’n dahil ‘yun mismo ang nararamdaman ko sa relasyon namin ni Gerald.

“Alam mo ‘yung feeling na gigising ka na positive ang lahat? Makinis, walang problema, magaan na magaan ang pakiramdam ko,” pagsang-ayon ng sikat na komedyana.

Buung-buo kasi ang tiwala ni Gerald sa kanyang sarili, wala itong insecurity, bukod pa sa napakaganda ng kanyang layunin sa pakikipag­relasyon kay AiAi.

At maganda ang takbo ng relasyon kapag abala ang lalaki at babae, pumapasok lang sa relasyon ang selos at insekuridad kapag isa lang sa kanila ang abala, kung anu-anong negatibong bagay ang pumapasok sa utak ng hindi abala sa pagtatrabaho.

Nakakaaliw ang ilang nagbigay ng reaksiyon sa tagumpay ni AiAi bilang Best Actress, may nagsabi, “’Yan ang tunay na international actress, hindi nagpe-press release, ‘yan ang tunay na pang-Hollywood!”

Hindi man sabihin at banggitin kung sino ang tinutukoy nito ay bigay na bigay na kung sino. Ang dating BFF ng Philippine Comedy Queen na si Kris Aquino.

Ha! Ha! Ha! Ha!

vuukle comment

SINGER-ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with