^

PSN Showbiz

Proposal ni Daniel kay Erich, tinutukan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tinutukan at talaga namang hindi pinalampas ng mga tagahanga ang pinakahihintay na proposal ni Phil (Daniel Matsunaga) kay Pinang (Erich Gonzales) noong Biyernes (Nov 4) kaya nanguna ang ABS-CBN morning series na Be My Lady sa national TV ratings.

Base sa datos ng Kantar Media, pumalo ang episode sa national TV rating na 17.6% kumpara sa katapat nitong palabas na nakakakuha lamang ng 10.4%.

Ibinahagi rin ng netizens ang kanilang kilig at excitement online kaya naman nanguna sa listahan ng trending topics sa Twitter ang official hashtag ng palabas na #BMLTheProposal.

Sa pagpapatuloy ng kuwento, tila hindi pa ganoon kalinaw ang tanaw nila sa daan patungong forever dahil may isa pa silang dapat kumbinsihin na basbasan ang plano nilang magpakasal, walang iba kundi ang nanay ni Phil na si Chelsea (Priscilla Mereilles).

Paano kaya nila mapapapayag si Chelsea na tanggapin si Pinang bilang kanyang daughter-in-law?

Huwag palalampasin ang Be My Lady, 11:30am bago mag-It’s Showtime sa PrimeTanghali ng ABS-CBN.

vuukle comment

BE MY LADY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with