^

PSN Showbiz

Krista Miller limang buwang buntis!

TAKE IT TAKE IT! - Pilipino Star Ngayon
Krista Miller limang buwang buntis!
Krista Miller

May mga nakisimpatiya sa sexy star na si Krista Miller nang malaman nila na buntis siya.

Nakakulong si Krista dahil sa paratang na nagtutulak siya ng ipinagbabawal na gamot. Inamin ni Krista na five months pregnant ito kaya may mga naawa sa kanya at sa sanggol na dinadala niya sa sinapupunan.

Stressful ang pagbubuntis ni Krista dahil nakakulong siya at non-bailable ang kaso niya.

Mula sa selda ng Camp Karingal sa Quezon City, inilipat si Krista sa Valenzuela City Jail.

Bale second baby ang ipinagbubuntis ni Krista dahil narinig ko sa presscon ng When Julie Anne Meets Christian na may isang anak na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend na natakot nang malaman nito na dinakip ng mga pulis ang girlfriend niya. Six months old pa lang ang panganay ni Krista na nasa panga­ngalaga ng mga magulang niya.

Ang makalaya at mabigyan ng pagkakataon na makapagbagong buhay ang ipinagdarasal ni Krista para sa kanyang anak at sa ipinagbubuntis niya na huwag sanang maapektuhan ng stress na pinagdaraanan ng sexy starlet.

Jiro lumusog sa rehab

Tama ang desisyon ni Jiro Manio na manatili muna sa rehabilitation center na kinalalagyan niya dahil baka maging magulo uli ang kanyang buhay kapag lumabas siya.

Hiyang si Jiro sa rehabilitation center na pinagdalhan sa kanya ni AiAi delas Alas dahil tumaba siya at gumanda ang mga pananaw niya sa buhay.

Sana nga, magtuluy-tuloy ang pagbabago ni Jiro dahil kahit marami ang tumutulong sa kanya, mas mahalaga na tulungan niya ang sarili.

Anne, Paolo, at Dennis sipag-sipagan sa pagpu-promote ng pelikula

Rain or shine, may mall show ngayong hapon sa SM Sta. Rosa Laguna ang cast ng Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?!

Masipag mag-promote sina Anne Curtis, Paolo Ballesteros at Dennis Trillo dahil alam nila na maganda ang kanilang pelikula.

Sa darating na Martes ang red carpet premiere ng Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?! sa SM Megamall Cinema at kinabukasan ang showing nito sa mahigit isangdaan na sinehan sa buong Pilipinas.

Magkakaroon din ng international screening simula sa October 28 ang Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend. Maglalabas ang Viva Films ng mga listahan ng mga sinehan sa Amerika na pagtatanghalan ng pelikula nina Anne, Dennis at Paolo.

Lila Sari ipakikilala na sa Encantadia

Naiinip na ang fans ng Encantadia dahil hindi pa ipinapakilala kung sino ang aktres na gumaganap na Lila Sari.

Sa survey ng GMA 7, 95 % ang mga  bumoto na i-reveal na nila ang mukha ni Lila Sari dahil sabik na sila na malaman ang katauhan ng aktres na nasa likod ng maskara ng pinag-uusapan na karakter sa Encantadia

Sandali na lang ang ipag­hihintay ng  naiinip na fans ng Encantadia dahil ipapakita na sa darating na Martes ang mukha ni Lila Sari at sigurado ako na pag-uusapan ang grand revelation.

One hundred percent sure ako na matutuwa ang mga loyalista ng Encantadia kapag nalaman nila kung sino si Lila Sari pero my lips are sealed, kahit knows ko na ang identity niya.

vuukle comment

KRISTA MILLER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with