^

PSN Showbiz

Marian, Angel at Jennylyn may problema sa billing

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Pare-parehong endorser ng Avon sina Angel Locsin, Jennylyn Mercado at Marian Rive­ra kaya sana ay walang fan ng tatlo ang mag­reklamo sa billing. Sina Angel at Jennylyn ay matagal nang Avon ladies habang si Ma­rian ay bagong dagdag, although wala pang formal na announcement.

Nag-post lang si Marian ng red lipstick at nilagyan niya ng caption na “So grateful to be part of this family...Thank you for trus­ting me.”

Avon make up naman ang ini-endorse ni Angel, at underwear si Jennylyn.

Gabby pasok na sa show ni Regine

Excited ang nanonood ng Poor Señorita nang ipakita si Gabby Concepcion sa Abangan episode. Guest si Gabby sa episodes 10 and 11 ng rom-com series at ang kanyang gagampanang role ay bilang ang businessman na si Jaime na role niya rin sa Because Of You.

Dagdag din sa cast si Lauren Young na kahit hindi pa sinasabi ang role, may humula na, na magiging anak ni Gabby. Tama ba kaming first time nagkasama sa teleserye sina Lauren at Mikael Daez na future na magbayaw?

May clamor ang manonood na kung pu­we­deng i-extend ang labas ni Gabby at gawing love triangle sina Gabby, Regine Velasquez at Mikael Daez.

Erika Padilla taon na ang relasyon sa coach na 14 years ang tanda sa kanya

Natiyempuhan namin si Erika Padilla sa ta­ping ng Juan Happy Love Story at nakakuwentuhan na rin. Si Erika ang gumaganap na ate ni Heart Evangelista sa naughty rom-com series at natawa ang misis ni Sen. Chiz Escudero sa tsika nitong magkakilala na sila noong sila pa ni Jericho Rosales. Sa La Union daw sila nagkakilala kung saan madalas mag-surf ang aktor.

May asawa ang karakter ni Erika sa series pero in real life ay dalaga pa siya at boyfriend ang Alaska assistant coach na si Jeffrey Cariaso. One year and seven months na ang relasyon nila, ibig sabihin, hindi problema sa kanila ang 14 years age gap at pagiging di­borsyado ni Jeffrey.

Kasama rin si Erika sa cast ng Star Cinema movie na Achy Breaky Heart as Jodi Sta. Maria’s best friend. Napapanood pa rin siya sa TV5 bilang anchor sa Sports 360 at courtside reporter ng PBA ‘pag wala siyang taping.

Rufa Mae kinalaban ang pinanggalingang show

Kaya pala aligaga na sa paghahanda sina Rufa Mae Quinto at fiancé niyang si Trev Magallanes ay dahil sa November 25 na ang kasal nila na gaganapin dito sa bansa.

Kinausap na nina Rufa Mae si Wilma Galvante para maging ninang na nasa likod ng marami niyang shows sa GMA 7.

Wala na sa GMA 7 si Rufa Mae, kaya libreng nakakapag-guest sa ABS-CBN at TV5. In fact, every Friday na siya sa Happinas Happy Hour na katapat ng Bubble Gang na kanyang pinanggalingan.

vuukle comment

TRADE SHOW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with