^

PSN Showbiz

Mayor Herbert pumiyok sa ‘pag-iwas’ sa interview

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nakakuwentuhan namin si Quezon City Mayor Herbert Bautista sa burol ni German Moreno. Maayos ang trapik sa area ng Mt. Carmel at nalaman namin na pina­dala ni Mayor HB ang mga pulis para i-secure ang area at nakikiramay sa pamilya ni Master Showman. Nalaman pa namin na sinagot ni HB ang food sa natitirang lamay.

Tinanong namin si Mayor HB kung bakit wala siya sa presscon ng Lumayo Ka Nga Sa Akin? Totoo bang umiwas lang siya sa mga tanong ng press people? Ang pabirong sagot nito ay sinadya niyang hindi dumalo para mapag-usapan at nangyari nga dahil ang absence niya ang mga nasulat. Pero ang totoong rason ay may importante siyang meeting.

Sobra ang pasasalamat ni HB kay Maricel Soriano na siya ang piniling makapareha sa Shake, Shaker, Shakest episode ng Lumayo Ka Nga Sa Akin na sho­wing sa January 13. Biro uli ni HB, dapat kumita ang movie dahil co-produced ito ng Heaven’s Best Entertainment ng kapatid niyang si Harlene Bautista-Sarmenta.

Babawi si HB sa hindi pagdating sa presscon ng Lumayo Ka Nga Sa Akin dahil darating siya sa premiere night ma­mayang gabi sa SM Megamall. Maganda raw ang episode nila ni Maricel, kaya dapat itong panoorin.

Ken Chan hindi pa alam kung hahanap ng kapalit ni Kuya Germs

Manager ni Ken Chan si German Moreno at ang GMA Ar­tist Center. Ngayong wala na si Kuya Germs, hindi alam ni Ken kung kukuha siya ng kapalit nito o ang GMAAC na ang solong magma-manage sa career niya. After ng burol ni Kuya Germs, pag-uusapan nila ang tungkol dito.

Bago naospital, naikuwento pa ni Ken kay Kuya Germs na nagawa na niya ang first screen kiss niya with Fabio Ide sa Destiny Rose.

Walang Tulugan, buong buwan pa ng Enero eere

Sa mga nagtatanong pala kung ano na ang mangyayari sa Walang Tulugan, ang narinig namin, buong January pa mapapanood ang show. Next Friday, may taping ang show ng three episodes at hindi lang malinaw kung sino ang makakasama ni John Nite na magho-host ng show.

After January, ‘yun ang hindi pa alam dahil pag-uusapan pa. Pero sana ipagpatuloy pa rin ito ng GMA 7 dahil sayang ang mga bata na bini-build up ni Kuya Germs lalo na ‘yung may talento talaga.

Napag-usapan din kung itutuloy pa ang Walk of Fame at kung sino ang sa­sagot sa mga gagastusin.

Gabby nagmarka ang pagiging yummy

Kahit saan pala magpunta si Gabby Concepcion ngayon, “Boss Yummy” na ang tawag sa kanya. Ito kasi ang tawag sa kanya ni Carla Abellana sa Because Of You. In fairness, bagay na bagay sa aktor ang tawag sa kanya dahil walang ipinagbago ang aktor, gwapung-gwapo pa rin at tama nga, “yummy na yummy pa rin siya.”

vuukle comment

ACIRC

AFTER JANUARY

ANG

BECAUSE OF YOU

BEST ENTERTAINMENT

GERMAN MORENO

KEN CHAN

KUYA GERMS

LUMAYO KA NGA SA AKIN

NBSP

WALANG TULUGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with