^

PSN Showbiz

Ate Vi at Angel matindi ang bangayan

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Dapat sinisimulan nang itodo ng Star Cinema ang pagpapalabas ng trailer ng Everything About Her dahil palabas na ito sa January 27.

Napakaganda ng trailer kaya lahat ay mai-engganyo na makita ang kabuuan ng movie at malaman kung sino sa mag-biyenang hilaw ang mas magaling na artista.

Si Gov. Vilma Santos ba o si Angel Locsin? In fairness, mahirap pumili dahil um-effort talaga si Angel at hindi naman nagpaiwan si Gov. Vi.

Mas challenging ang role ng gobernadora kung tutuusin pero, nagawang paigtingin din ni Angel ang kanyang role kaya makakaasa ang manonood ng tagisan sa pag-arte sa bawat eksena. Kaya, itodo na ‘yang trailer na ‘yan!

Kahit baluktot managalog, Miho isinalang agad sa aktingan

Pinakamatatandaan marahil na winner ng Pinoy Big Brother (PBB) ang hindi ko matiyak kung Pilipina nga o Haponesa dahil nagbigay siya ng malaking impact sa mga manonood ng reality show na PBB dahil sa mala-Cinderella niyang kwento ng pag-ibig sa isa ring naging kasamahan sa show at sa kanyang mali-maling Tagalog, o maski na Ingles.

Babalikan ni Miho Nishido ang kanyang pinagdaanan bago siya hiranging PBB 737 Big Winner sa kanyang seryosong acting chore mamaya sa Maalaala Mo Kaya.

Dahil sa hirap ng buhay, nagtrabaho ang ina ni Miho na si Mercedes sa Japan bilang isang entertainer.

Doon ay dalawang beses itong nagkamali sa pag-ibig na kung saan naging bunga sa ikalawa niyang kasintahan si Miho.

Sa kagustuhang hindi maulit sa anak ang sinapit niya, naging istriktong ina si Mercedes.

Panay ang kayod nito at nawalan ng oras kay Miho. Dito na nagrebelde ang dalaga hanggang mangyari na ang kinakatakutan ni Mercedes, ang maging dalagang ina rin ang anak niya.

Kasama rin sa episode mamaya ng MMK sina Andrea Del Rosario, Brenna Garcia, Alex Diaz, Nina Jose, Marina Benipayo, Giselle Sanchez, at Tess Antonio.

Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Elfren Vibar, at panulat ni Joan Habana.

Barbie at Andre ayaw paawat

Talagang hindi paaawat ang GMA 7 sa pagpapayabong ng tambalan nina Barbie Forteza at Andre Paras. Tala­gang sinasabayan pa nila ang promo ng Viva movie ni Andre na iba naman ang ka-loveteam.

Ang That’s My Amboy ang susunod na teleserye ng dalawang bida ng The Half Sisters na magba-babu na sa ere. Marami ang magugulat dahil iniba completely ni Direk Joyce Bernal ang role ni Barbie, ibang-iba sa mga ginawa na nito.

Mga anak nina Aga at Charlene sa Amerika na mag-aaral?!

Sa abroad pala, specifically Las Vegas, nagpalipas ng Kapaskuhan ang mag-anak na Muhlach, sina Aga, Charlene, Atasha, Andres at Elvie Gonzales, mom ni Charlene.

Mukhang nagkakaroon na ng mukha ang balak ng mag-anak na sa Tate na mamalagi. Dun na rin nila balak na pag-aralin ang mga anak nila. Bibili pa sila ng bahay sa Boston para mas malapit ang mga bata sa mga school na papasukan nila.

‘Rest and watch the fruits of your labor… Kuya Germs’

Ang lungkot naman ng pabwena-mano ng 2016 sa ‘kin.

Pumanaw na pala kahapon ng umaga ang friend ko cum brother cum father na si Kuya Germs.

Sa ganda ng progreso ng kanyang paggaling ay akala ko mapagbibigyan pa ng Panginoon ang kanyang kahili­ngan na mapahaba pa ang kanyang  buhay.

Eto ang madalas naming mapag-usapan kapag nahuhuli niya ako sa telepono, na bihirang mangyari at ikinagagalit niya dahil, madalas ay ‘di kami magkausap dahil iniiwan ko ang CP ko sa third floor at umiistambay ako sa first floor ng bahay ko.

Ikaw naman Kuya Germs, umalis ka agad. Pero siguro mabuti na ‘yan. Mamahinga ka na lamang and watch the fruits of your labor.

I’m sure masisiyahan ka sa sukli ng mga ginawa mong kabutihan. May oras ang pamamahinga, ito na ‘yung para sa ‘yo.

Lumisan ka ng masaya dahil nagawa mo ng labis-labis ang mga gawaing ipinagkaloob sa ‘yo dito sa mundo. I will surely miss you.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

CHARLENE

DAHIL

KUYA GERMS

LEFT

MERCEDES

MIHO

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with