^

PSN Showbiz

Annabelle parang publicist ng Kapamilya

Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Si Annabelle Ra­ma ang manager ni Jay Manalo, kaya um-attend ang talent manager sa pre­­miere night noong Sunday ng bagong after­noon series ng ABS-CBN, ang And I Love You So.

Ang nasabing afternoon series ang hudyat ng pagbabalik ni Jay sa Kapamilya network.

Bago ang And I Love You So nag­karoon din ng guesting si Jay sa Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Ayon kay Bisaya (paboritong tawag sa nanay ni Ruffa Gutierrez dahil ipinanganak at lumaki siya sa Cebu at proud sa pagiging Bisaya), bilib siya sa pagiging professional ni Jay.

Wala raw reklamo si Jay sa paglalagare sa And I Love You So at Ang Probinsyano.

Mas gusto raw ni Jay ang magtrabaho nang magtrabaho.

Isa si Jay sa iilang talent ni Bisaya na patuloy niyang mina-manage.

Samantala, parang publicist naman ng Kapamil­ya network si Bisaya sa pagsasabing sobrang ganda ng And I Love You So.

Nang kakuwentuhan ko siya kahapon, paulit-ulit niyang sinabi na bilib siya kay Deo Endrinal na head ng production na namamahala sa nasabing afternoon series.

Ang quality raw kasi ng And I Love You So ay pang-primetime.

“Magre-rate ‘yan! Ang ganda, eh!” bulalas pa ni Bisaya.

MMFF 2015 Awards night, ikinakasa na

Sa December 27 pa ang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015 Awards Night, pero nga­yon pa lang ay nagko-coordinate na ang mga taga-Viva Events na mamamahala sa nasabing awards night sa film companies na may pelikula sa MMFF 2015 para masiguradong star studded ‘yon.
Kahapon nga, pina-finalize na ang per­formers at presenters sa nasabing awards night.

Pinapakiusapan din ang mga artistang may MMFF 2015 entry na tapusin muna ang awards night bago magba­kasyon.

Hindi nga naman magandang tingnan ang awards night kung hindi ‘yon sisiputin ng mga artistang may filmfest entry.

Gabby hindi pa rin nakakalimot sa mga OFW

Kahit may regular primetime teleserye na sa GMA 7, rumaraket pa rin abroad si Gabby Concepcion.

Kamakailan lang ay lumipad si Gabby pa-London, England para sa isang show roon.

Noong nasa Amerika si Gabby at hindi active sa local showbiz, panay rin ang raket niya at kumakanta sa ilang shows doon para sa Filipino communities.

Kahit nakabalik na sa ‘Pinas at nagniningning uli ang career, hindi pa rin kinalimutan ni Gabby ang pagsu-show sa iba’t ibang bansa.

Nakakapamasyal na ng libre, kumikita pa ang aktor sa mga ganoong raket niya!

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG PROBINSYANO

ANNABELLE RA

AWARDS NIGHT

BISAYA

COCO MARTIN

DEO ENDRINAL

I LOVE YOU SO

NBSP

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with