^

PSN Showbiz

Sam hindi pa rin nabibigyan ng break

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Dalawang episode umano ng Wattpad Presents ang gagawin ni Diether Ocampo sa TV5, ang isa ay ang pinagsasamahan nila ni Ritz Azul habang ang isa naman ay si Sam Pinto ang kanyang kabituin.

Si Sam ay nasa pangangalaga ng Viva Artists Agency at isang Kapuso pero nagawa niyang mag-guest sa isang prog­ra­ma ng TV5 dahil wala itong pi­­nag­kakaabalahan na ibang show ngayon sa Kapuso Network liban sa long-running gag show na Bubble Gang.

Marami ang nanghihinayang sa kanyang talent na hindi umano gaanong na­ma-maximize.

Angela Markado nina Carlo J. at Donna V., patikim lang

Parang sleeping dragon ang mag-asawang Donna Villa at Carlo J. Caparas kapag nanahimik sa paggawa ng pelikula pero sobra namang ingay kapag sila’y muling nagbabalik sa pagpu-produce.

Aktibong muli ang mag-asawang Donna at Direk Carlo J. hindi lamang sa pelikula kundi maging sa telebisyon at first comeback project nila ang movie remake ng 1980 hit and award-winning movie na Angela Markado na unang pinagbidahan ni Hilda Koronel at dinirek ng yumaong premyadong director na si Lino Brocka. Ang nasabing material ay isa sa mga classic komiks novel na sinulat ni Direk Carlo J.

After 35 years, muling binuhay ni Direk Carlo J. ang Angela Markado sa pelikula sa pamamagitan ni Andi Eigenmann na siyang gumanap sa title role.

Samantala, sinabi ng mega couple na magpu-full blast sila sa dara­ting na 2016 at itong Angela Markado ay ay parang teaser project lamang.

Janella wish maka-bonding ang rockstar na ama

On March 30 next year ay magi-eighteen na ang Kapamilya teenstar na si Janella Salvador at pangarap niyang magkaroon ng grand debut party at makasama ang kanyang estranged father, ang rock artist na si Juan Miguel Salvador.

Aminado ang dating star ng OMG! TV series na hindi siya close sa kanyang ama dahil hindi naman siya lumaki na kasama ito pero umaasa siya na magkaroon sila ng father-daughter relationship balang araw.

Matapos siyang bigyan ng malaking break ng ABS-CBN sa pamamagitan ng TV series na OMG! na kamakailan lamang nagtapos sa ere ay ang Regal Entertainment naman ang next na nagbigay sa kanya ng big break sa pelikula sa pamamagitan ng Haunted Mansion na kalahok sa 2015 Metro Manila Film Festival.

4th Impact malamang mag-champion sa X-Factor UK

Nakatutok ang mga Pinoy all over the world sa tu­matakbong X-Factor UK kung saan pasok na sa Top 6 ang 4th Impact na binubuo ng Cercado sisters na sina Mylene, Celina, Irene at Almira, the only Filipino and Asian performers na nakapasok sa British-dominated reality singing competition sa London.

Kasama ng Cercado Sisters at ng kanilang pa­milya ang dalangin ng kanilang mga kababayan na sana’y palarin sila na makuha ang pinakamataas na pwesto sa grand finals na gaganapin sa susunod na buwan.

Bago ang kanilang London journey, sumali na rin ang Cercado Sisters sa iba’t ibang kumpetisyon hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa South Korea.

vuukle comment

ACIRC

ANDI EIGENMANN

ANG

ANGELA MARKADO

BUBBLE GANG

CARLO J

CERCADO SISTERS

DIETHER OCAMPO

DIREK CARLO J

DONNA V

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with