^

PSN Showbiz

Angel pakakasal na kay Luis?!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

As of this writing ay nakabitin pa rin kung sino among the Kapamilya female stars ang papalit kay Angel Locsin para guma­nap sa iconic he­roine character na Darna na likha ng yumaong nobelista at cartoonist na si Uncle Mars Ravelo.

Taong 1951 nang unang isapelikula ang komiks novel ni Uncle Mars at ito’y pinagbidahan ni Rosa del Rosario at huling directorial job ng ama ng movie king na si Fernando Poe, Jr. na si Fernando Poe, Sr. Muling isinapelikula ang Darna noong 1964 at ginampanan ni Eva Montes. Ginampanan din ni Gina Pareño ang papel na Darna in 1969 at magkakasunod na ginampanan ng actress-politician na si Vilma Santos ang nasabing papel in 1974 sa pamamagitan ng Darna and the Giants, Darna vs. the Planet Women in 1975, at Darna and Ding in 1980.

Taong 1977, nang gawing TV series ang Darna ng old KBS-9 na produced ni Kitchie Benedicto at ito’y pi­nagbidahan ni Lorna Tolentino.  In 1979, ginawa namang spoof ng comedy king na si Dolphy ang Darna at ginawa niya itong Darna Kuno.

In 1986, ginawang cartoon series ng GMA ang Darna. Taong 1991 naman nang muling buhayin ito ng  Viva Films sa pama­magitan ni Nanette Medved na sinundan ni Anjanette Abayari in 1994.

Two years ago, ibinalita ng Star Cinema na mu­ling lilipad si Darna sa pelikula sa pamamagitan ni Angel pero kung kailan malapit nang simulan ang pelikula at puspusan na ang paghahanda ng aktres ay saka naman ito nag-back out sanhi ng kanyang spine problem.

Ngayong hindi na matutuloy ang kanyang portrayal ng Darna at hindi na rin tumuloy ang nobyo niyang si Luis Manzano sa pagpasok sa pulitika, mukhang malakas ang possibility na magpakasal na ang magkasintahan sa susunod na taon. After all, pareho na silang nasa prime age para lumagay sa tahimik – Luis is 34 at 30 naman si Angel.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANGEL LOCSIN

ANJANETTE ABAYARI

DARNA

DARNA AND DING

DARNA AND THE GIANTS

DARNA KUNO

EVA MONTES

FERNANDO POE

TAONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with