^

PSN Showbiz

Jennylyn at Sam pinama-match kay Kris!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Mapapanood din pala si Jennylyn Mercado sa ABS-CBN para i-promote ang The Prenup movie nila ni Sam Milby sa Regal Entertainment na showing sa October 14. Nagkaisyu kasi na hindi raw pinayagan ng Kapamilya Network na mag-promote sa kanila si Jennylyn.

Anyway, hindi sa studio at hindi live ang guesting ni Jennylyn dahil sa KrisTV siya mapapanood at bukas na ang airing ng guesting niya kasama si Sam. Sa bahay ni Jennylyn siya pinuntahan ni Kris Aquino, kaya bukod kina Jennylyn at Sam, makikita rin ang tirahan ni Jennylyn.

Nagkasama na dati sa Regal Films movie na So Happy Together sina Kris at Jennylyn, bale reunion nila ang muling pagkikita sa taping ng KrisTV.

Naaliw lang kami sa bagong fans ng love team nina Jennylyn at Sam na pinakiusapan si Kris na maging kupido ng dalawa. Hindi naman yata kailangan ni Sam ng ibang tao kung talagang gusto niya si Jennylyn dahil sabi nga nito sa presscon, marunong siyang manligaw at kaya niyang manligaw on his own.

Samantala, hindi lang pala ang schedule ni Jennylyn ang rason kung bakit hindi na puwedeng i-extend ang My Faithful Husband. Problema rin ang schedule nina Dennis Trillo, Mikael Daez at iba pang major cast ng soap.

Carla ka-edad lang ng ama ang bagong kapareha

May project agad si Gabby Concepcion sa GMA 7 at ‘pag walang aberya, by November ay mapapanood na siya sa isang primetime teleserye. Ang soap na gagawin ni Gabby kasama sina Carla Abellana at Rafael Rosell ay papalit either sa Beautiful Strangers o My Faithful Husband.

Natutuwa si Gabby na makasama si Carla dahil friend niya ang ama nitong si Rey Abellana.

Magkasama pala sina Gabby at Rey sa Felix Manalo at nakita namin sila sa grand presscon ng Viva Films movie. Ginagampanan ni Gabby ang role ng older Ka Erdy Manalo.

Sabi pala ni Popoy Caritativo, he is representing Gabby for GMA 7 at per project ang agreement nila as talent and talent manager. Knowing Popoy, walang written contract sa kanya si Gabby at verbal ang kontrata nila gaya sa ibang talents niya.

QC Pink Filmfest, pumatok sa mga foreigner

Sayang at hindi nakarating si Quezon City Mayor Herbert Bautista sa opening ng Quezon City International Pink Film Festival (QCIPFF) last October 6. Hindi niya nakita ang successful opening na dinaluhan ng maraming foreigners. Ang saya-saya sa Gateway Mall, kung saan mapapanood ang mga pelikulang kasali sa filmfest.

Hanggang Oct. 11 pa ang QCIPFF kaya may time pa ang lahat kahit hindi member ng LGBT community na mapanood ang mga pelikulang inihanda ng QC Pride Council at nina director Soxy Topacio at Pink Festival Director Nick Deocampo.

Chynna ayaw patulan ang mga kontra sa kanila ni Kean

Parang engaged na sina Kean Cipriano at Chynna Ortaleza kung ulanin ng “Congratulations” at “Best Wishes” messages. Ito’y pagkatapos ng guesting ni Kean sa Tonight with Boy Abunda at aminin ang relasyon nila ni Chynna.

‘Katuwa ang comment ni Camille Prats sa Instagram (IG) ni Chynna na “Eh yung ang haba ng hair mo??? Sooo happy for you mars!”

Hindi lang maiwasan na may fans si Kean na ayaw kay Chynna at ipinipilit ang ibang kapareha nito. Hindi uso sa kanila ang move on at kay Chynna sila galit. Tahimik lang si Chynna at pinababayaang ma-high blood ang mga ayaw sa kanya.

Anyway, may nakita kaming picture nina Kean at Chynna sa shooting ng Love is Blind ng Regal Entertainment. Hindi lang nabanggit kung kasama na sa cast si Chynna o dinalaw lang nito si Kean.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BEAUTIFUL STRANGERS

BEST WISHES

CHYNNA

HINDI

JENNYLYN

KEAN

MY FAITHFUL HUSBAND

NBSP

REGAL ENTERTAINMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with