^

PSN Showbiz

Bong atras na sa 2016!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Tama lang ang naging pasya ni Sen. Bong Revilla na linisin muna ang kanyang pangalan bago siya muling lumahok sa pulitika. May nauna na kasi siyang deklarasyon na sasali siya sa eleksyon sa 2016 sa pampanguluhan na pinagtataasan ng kilay ng marami niyang kalaban at kritiko dahil sa kasalukuyang kaso na kinasasangkutan niya.

Katwiran nila ay dapat iklaro muna niya ang kaso niya para naman makalabas siya at personal na maasikaso ang kanyang kampanya at makapagbigay sa mga ma­mamayan ng panig niya sa ibinibintang sa kanya.

Katungkulan niya na itama ito kung gusto niyang pagkatiwalaan siyang muli para iluklok sa pinaka-mataas na posisyon ng bansa.

Sheryl isinusumpa sa sobrang kalupitan

Hindi mo naman masasabing may pinagdaraanang hinanakit, tampo, o sama ng loob si Sheryl Cruz sa ginawa niyang pakikipag-bonding sa ilan niyang kaibigan sa entertainment press. Masaya siya at ipinagmalaki ang pangyayaring aabot pa ng 2016 ng susunod na taon ang pag-ere ng Buena Familia kung saan ay marami ang nagagalit sa kanya dahil sa kanyang role.

Humingi siya ng paumanhin sa mga tagahanga ng mga mga artistang pinagmamalupitan niya dahil sumusunod lang siya sa script para sa ikagaganda ng istorya.

Hindi na niya inaalala kung marami ang nagagalit sa kanya. Isa kasi itong indikasyon na mabuti niyang nagagampanan ang kanyang trabaho.

Pero, wala sa script at sarili niyang desis­yon ‘yung ginawa niyang pagbibigay ng kanyang opinyon tungkol sa pagtakbo ng pinsan niyang si Sen. Grace Poe sa pagka-pangulo.

“Sa ngayon ayaw ko nang pag-usapan pa ang mga naging kaganapan. Nasabi ko na ang lahat ng gusto kong sabihin and I wish everyone well. Saka ko na rin sasagutin ‘yung tungkol sa kapatid kong si Wowie.” sabi niya sa pangungulit ng press na pagsalitain pa tungkol sa isyu.

Kris ginastusan ang kasal ng yaya

Oo nga naman, sa kabila ng maraming batikos kay P-Noy at maging sa kapatid niyang si Kris Aquino, kapuri-puri ang labis na malasakit nila sa kanilang mga kasambahay. Si P-Noy nga, hindi nakalimutan sa kanyang SONA ang kasambahay niya.

Si Kris naman ay pinalampas ang mahalagang premiere night ng kanyang movie na Etiquette For Mistresses dahil sa kasal ng yaya ng kanyang anak na si Bimby. Sila rin ang gumastos sa kasal bilang regalo nila rito.

Kung sa mga kasambahay nila ay nakakakitaan sila ng pagmamahal at malasakit malamang sa ibang tao rin.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

BONG REVILLA

KANYANG

LEFT

NBSP

NIYA

NIYANG

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with