^

PSN Showbiz

Jessy at JM nagkaayos na naman daw

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Dapat lang talagang ma-guilty ni Enrique Gil kung nagtuluy-tuloy ang paghihiwalay nina JM de Guzman at Jessy Mendiola na nag-ugat sa naging gulo nila sa eroplano.

Pero bakit dapat magdusa si Jessy sa ginawa ni Enrique? May dahilan ba, kaya siya ang napili ni Enrique na guluhin? What gives?

Mabuti lamang at ilang araw lang tumagal ang away ng dalawa. Balitang okay na naman sila nga­yon. Katunayan, nakapag-post na si Jessy sa social media ng picture kung saan ay magkasama sila ni JM.

Andi masusubukan ang galling sa Angela Markado

Nakumbinse ng Viva Films na muling balikan ni director Carlo Caparas ang kanyang pagiging direktor sa gagawin nilang remake ng Angela Markado, isang comics serial na unang ginampanan ng magaling na si Hilda Koronel. Retirado na ngayon ang beteranang aktres at namumuhay na ng tahimik sa Amerika.

Matagal na rin walang ginagawang mo­vie o series ang kinikilalang Comics King na pawang mga magagandang nobela niya sa komiks ang ginagawang pelikula na gustung-gusto ng mga manonood noon. Matagal nang walang proyekto si direk Carlo kung kaya minarapat ng Viva na kumbinsihin ito na balikan ang kanyang tra­baho kasama na ang kanyang maybahay na si Donna Villa na palagi niyang prod­yuser.

Para sa kanyang directorial comeback napisil nila si Andi Eigenmann para gumanap ng title role sa remake ng Angela Markado.

Isang malaking hamon sa nakababatang aktres na gampa­nan ang role dahil napakakontrobersal ng tema ng movie kung saan ay ma­ga-gang rape siya. Walang duda ang Viva, maging ang mag-asa­wang Carlo at Donna, na maibibigay ni Andi ang lahat ng requirements para sa kanyang role.

Sarah nakiuso

Nabalitaan marahil ni Sa­rah Ge­ronimo kung gaano ka-effective ang gi­na­wang pagbi-benta ng tiket ng maraming artista para sa mga ginawa nilang concert sa Araneta Coliseum kung kaya gagayahin niya ang mga ito. Magbibenta rin siya ng tiket para sa kanyang concert na From the Top na magaganap sa December 4.

Gagawin niyang perso­nal ang pagbibenta ng tiket para sa concert niya sa takilya sa October 1, Matatagpuan siya sa ticket booth mula alas 4 ng hapon hanggang alas 6 ng gabi. Heto ang mga presyo ng ticket : P4,500 para sa VIP at Patron; P3,500, Box Premium; P3,000 Box Regular; P1,500, Upper Box, at P400, Gen Admission.

Magsisimula nang makabili ng tiket para sa FTT sa October 1 sa lahat ng ticket outlets (911­5555)

Marami nang bashers, Pastillas Girl sikat na rin!

Sikat na nga si Pastillas Girl aka Angelica Jane Yap! Meron na kasing naninira sa kanya at hinahamak ang kanyang pagkatao para lamang hindi siya hangaan sa TV na sa aminin man nila o hindi ay ma­laki ang naitulong para maalis sa single digit ra­tings ang It’s Showtime.

Balitang mas lalong lumakas ang ratings ng It’s Showtime dahil sa  Nasaan Ka Mr Pastillas? Puma­lo umano ng 17%-18% ang national TV ratings ng  It’s Showtime noong na­ka­raang linggo.  Lumiit ang ag­wat sa kalabang programa at na­panatili nila ang malakas na ratings nila.

vuukle comment

ACIRC

ANDI

ANG

ANGELA MARKADO

ANGELICA JANE YAP

ARANETA COLISEUM

NBSP

PARA

PASTILLAS GIRL

SHOWTIME

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with