^

PSN Showbiz

Shaina masaya kahit walang lalaki sa buhay

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

First time ng The Philippine STAR publication na suma­bak sa pagpu-produce ng isang TV series, ang Single/Single, isang kakaibang romcom  with social rele­vance na pi­nagtatambalan at pi­nagbi­bi­dahan nina Shaina Magdayao at Matteo Guidicelli at palabas sa Cinema One mula sa direksiyon ni Pepe Diokno.

First team-up ito nina Shaina at Matteo na parehong masaya sa kanilang first time na magkatrabaho.

“Walang dapat ipag-alala ang mga fans nina Matteo at Sarah (Geronimo) dahil trabaho lang po ito,” natatawang pahayag ni Shaina na game na game sa mga eksena nila ni Matteo at isang certified single up to now magmula nang maghiwalay sila ng nob­yong si John Lloyd Cruz na nobyo naman ngayon ni Angelica Panganiban.

“Don’t worry, I’m happily single,” natatawa nitong pahayag.

Of course, alam naman ng lahat na “ta­ken” na si Matteo dahil meron na itong Sarah Geronimo na nagpapasaya sa kanya.

Alfred hindi iniiwan ang eskuwelahan

Nakakabilib naman ang actor-tur­ned politician na si Rep. Alfred Vargas na kumakatawan sa ika-limang distrito ng Quezon City dahil sa kabila ng kanyang estado ngayon ay hindi pa rin siya tumitigil sa pagpapa­lawak ng kanyang kaalaman sa larangan ng public ser­vice.

More than his being a public ser­vant ay mas tumatak sa publiko ang kanyang pagiging actor na kanyang sinimulan nang siya’y mapasama sa ika-10 batch ng Star Circle ng ABS-CBN.

Matapos mapabilang sa kuwadra ng Kapa­milya Network ay lumipat siya ng GMA kung saan siya nananatiling Kapuso for the longest time.

Si Alfred ay nakapagtapos ng A.B Management major in Economics sa Ateneo de Manila University at kasalukuyang kumukuha ng kanyang Master’s Degree in Public Administration sa University of the Philippines.

Si Alfred ay isa sa mga artista na marunong magpahalaga ng edukasyon.

vuukle comment

ACIRC

ALFRED VARGAS

ANGELICA PANGANIBAN

B MANAGEMENT

CINEMA ONE

JOHN LLOYD CRUZ

MANILA UNIVERSITY

MATTEO

MATTEO GUIDICELLI

SHY

SI ALFRED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with