^

PSN Showbiz

Dennis nangangamoy box-office king na

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nangangamoy na ang pagiging box office king ni Dennis Trillo sa pelikulang Felix Manalo.

Siguradong lahat kasi ng miyembro ng Iglesia ni Cristo ay manonood ng pelikula. ‘Yun ngang rally na puyat at naulanan pa sila, talagang nagtiyaga ang mga kapatid sa INC lalo na siguro ang panonood ng pelikulang Felix Manalo na sa latest full trailer na inilabas ng Viva Films  ay nakakaiyak na.

Actually, ang suwerte ni Dennis. Imagine sa lahat ng poster na nagkalat, mukha lang niya ang nakikita. Ang laking push nun sa career ng actor.

Eh ang galing-galing pa ng actor sa pelikula base sa mga trailer na napapanood sa YouTube.

Showing na sa October 7 ang pelikula at magkakaroon ng premiere night sa October 4.

TV5 executives, nakisaya sa birthday ni Ogie

Ang lakas ni Ogie Alcasid sa mga bossing ng TV5. Imagine naki-fiesta at nakisaya lang naman ang mga executive ng TV5 sa Happy Truck Ng Bayan upang i-celebrate ang kanyang kaarawan. Kahit long weekend at busy ang schedule, game na pinangunahan ni TV5 President and CEO Noel C. Lorenzana ang pagbati kay Ogie sa episode ng HTNB sa Commonwealth, Q.C. noong Linggo. Malaking surpresa rin ang pagbisita ng pinakamamahal na maybahay ni Ogie, ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

Kasama pa sa mga bossing na naki-celebrate kay Ogie ay sina Head of Media5 and FVP Jane J. Basas, SVP and Head of Programming Atty. Dan de Padua and Chief Entertainment Content Officer Wilma V. Galvante.

Kaya naman laging sinasabi ni Ogie sa mga interview na masaya siya sa TV5 dahil sa importansiya na binibigay sa kanya ng Kapatid Network.

vuukle comment

ANG

DENNIS TRILLO

FELIX MANALO

HAPPY TRUCK NG BAYAN

HEAD OF PROGRAMMING

JANE J

KAPATID NETWORK

NOEL C

OGIE

OGIE ALCASID

PADUA AND CHIEF ENTERTAINMENT CONTENT OFFICER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with