^

PSN Showbiz

Kuya ibinenta ang katawan para sa pamilya!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang hindi gagawin ang isang mapagmahal na kuya para sa kanyang mga kapatid. Handa siyang magtiis at pasukin ang trabahong ”pagseserbis” sa mga bakla para lamang maibigay ang minimithing pangarap ng kanyang pamilya.

Ngayong Sabado, tunghayan ang kwento ni Ariel at ng kanyang mga kaibigan na binebenta ang kanilang mga katawan sa ibang mga lalaki kapalit ng malaking pera para sa kanilang mga pamilya.

Panganay si Ariel sa tatlong magkakapatid.

Naghiwalay ang kanilang mga magulang at pinabayaan na sila ng kanilang ama.

Dahil dito, nagtrabaho si Ariel para itaguyod ang pag-aaral ng kanyang mga kapatid. Subalit, hindi sapat ang kinikita ni Ariel para tustusan ang mala­king gastos ng pamilya.

 Napilitan tuloy siya na tanggapin ang alok ng kanyang barkada na magserbis at ipagbili ang kanyang katawan sa mga bading.

Nung una, hindi masikmura ni Ariel ang pagseserbis pero dahil sa patong-patong na problema sa pera, sa pagse-serbis pa rin siya nakakakuha ng pantustos sa mga kapatid, asawa at anak hanggang naging propesyon na niya ito.

Naging patok at mabenta si Ariel sa mga customer niyang bakla. Naibibigay niya ang pangangailangan ng kanyang mga kapatid. Hanggang sa isang araw, nalaman din ng kanyang pamilya kung saan siya kumukuha ng pera.

Matanggap kaya ng pamilya ni Ariel ang tunay niyang trabaho? Paano kung ang sakripisyong ito ang sisira pala ng kanyang pamilya? May pag-asa pa kayang makawala si Ariel sa trabahong ito?

Itinatampok sina Paolo Contis bilang Jonjon, Rodjun Cruz bilang Ariel, Louise delos Reyes bilang Susan, Eunice Lagusad bilang Eliza, Mikoy Morales bilang Glenn at Juancho Trivino bilang Dennis.

Mula sa direksyon ni Lord Alvin Madridejos, hu­wag palampasin ngayong Sabado ang Magpa­kai­lanman pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA7.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARIEL

EUNICE LAGUSAD

JUANCHO TRIVINO

KANYANG

LORD ALVIN MADRIDEJOS

MGA

MIKOY MORALES

NGAYONG SABADO

PAOLO CONTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with