^

PSN Showbiz

Derek balik-Kapamilya shows!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Na-miss daw talaga ni Derek Ramsay ang paggawa ng pelikula sa Star Cinema. Ilang taon din kasing hindi nakagawa ng proyekto ang aktor sa ABS-CBN at ngayon ay muling magbibida para sa pelikulang Ex With Benefits kasama ni Coleen Garcia.

“They are the best out there. I learned how to be the actor that I am today with the directors they have, the brilliant actors that they paired me with. And I missed that whole thing about Star Cinema and sino si Derek as an actor ay dahil naging partners ako ng magagaling na artista and be guided ng mga magagaling na directors,” nakangiting pahayag ni Derek.

Umaasa raw ang aktor na makagawa na mas marami pang pelikula ngayong nakabalik na siya sa bakuran ng Star Cinema.

“This is strictly for Star Cinema, but going back to that relationship, that relationship never died. We had our issues but for me the relationship never died. It’s just may mga problema here and there pero wala na ‘yun, both parties have moved on and we’re here to work together and to come up with brilliant film or films hopefully. I’m really excited for you to watch this movie. It’s very fresh, ‘yung approach, ‘yung atake ng directors namin and Coleen is a new face on the big screen and I think she did well,” pagbabahagi ni Derek.

Makakapag-guest na raw muli ang aktor sa ilang programa ng Kapamilya Network para sa promotion ng pelikula.

Luis at Angel kanya-kanyang gastos pag nagdi-date at nagbabakasyon

Hindi pa rin nakakapagdesisyon si Luis Manzano kung papasukin niya ang mundo ng pulitika. Matagal nang pinag-iisipan ng aktor ang tungkol dito.

“’Pag gumising ako na naramdaman ko na it’s about time to serve then yes, handa na ako. Which is why it’s taking me a bit too long. As of now 50-50,” pagtatapat ni Luis.

Kung sakaling magtutuloy ang binata sa pagtakbo sa nalalapit na eleksyon ay hindi raw siya hihingi ng tulong pinansyal sa kasintahang si Angel Locsin. “Wow! Ako kasi hindi ko talaga hinahalo ang pera at saka love eh. Sa akin parang as of now, ayoko talaga. Kami ni Angel ‘pag lumalabas kami, split talaga kami ng pera, split kami sa check. So kunwari kumakain kami sa labas, ako magbabayad, ‘yung next kailangan siya talaga. Masaya rin kasi ayoko haluan ng pera ‘yung kaming dalawa and naniniwala kami na kunwari nag-vacation kami for a while, hati talaga kami as in split,” kwento ni Luis.

Suportado naman daw ni Angel kung papasukin talaga ng aktor ang pulitika. “Hindi ko lang inaasahan, siya talaga nagsabi sa akin niyan. ‘Kulet, kung sakaling itutuloy mo ‘yung pagtakbo mo, I’ll be behind you all the way.’ There are so may more instances na pwede ipakita ‘yung pagmamahal niya pero kumbaga that may be one pero hindi lang ‘yun ‘yung pinakapatunay,” makahulugang pahayag ng aktor.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANGEL LOCSIN

COLEEN GARCIA

DEREK

DEREK RAMSAY

EX WITH BENEFITS

KAMI

LUIS

STAR CINEMA

TALAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with