^

PSN Showbiz

Bagong Bea Bianca, ‘di makalimutan ang unang eksena kasama si Daniel

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magkahalong saya at kaba ang nararamdaman ng bagong Kapamilya star na si Sarah Carlos sa pagdating ng kanyang karakter na si Bea Bianca sa top-rating primetime drama series ng ABS-CBN na Pangako Sa’yo.

“Sobrang nagpapa­salamat po ako na ako ang napili para sa ka­rakter ni Bea Bianca. Mala­king challenge po para sa akin na gampanan ang role niya. Nakaka-pressure po ‘yung expectation ng mga tao sa karakter ko. Kaya naman po gagawin ko talaga ‘yung best ko para magampanan ito nang maayos,” paha­yag ni Sarah.

Dagdag ng bagong Pangako Sa’yo star, masaya siya na nabigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho ang Teen King and Queen na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

“Siguro po ‘yung first scene ko kasama si Da­niel ‘yung isa sa pinaka hindi ko malilimutan na experience dahil iyon po ‘yung kauna-unahan kong eksena na ginawa, tapos ganun pa kabigat. Kay Kathryn din naman po, nadalian akong makatrabaho siya dahil magaan siyang kasama at unti-unti ko na rin po siyang nakikilala bago pa man kami nagkaroon ng eksena,” ani Sarah.

Nang tanungin kung ano ang dapat abangan ng Pangako Sa’yo viewers sa pagpasok ng kanyang karakter sa istorya, sinabi ni Sarah na dapat tutukan ng lahat kung paano niya babaguhin ang takbo ng buhay ng mga karakter nina Daniel at Kathryn.

Aniya, “Ibang iba po ang Bea Bianca ngayon kumpara sa Bea Bianca noon. Kaya dapat pong abangan ng lahat kung paano makakaapekto sa relasyon nina Yna (Kathryn) at Angelo (Daniel) ang pagdating niya.”

vuukle comment

ACIRC

ANG

BEA BIANCA

DANIEL PADILLA

KATHRYN

KATHRYN BERNARDO

KAY KATHRYN

KAYA

PANGAKO SA

SARAH CARLOS

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with