^

PSN Showbiz

Zanjoe aminadong noon pa sila nagkakaproblema ni Bea

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Kung hindi naayos nina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo ang kanilang relasyon ay hindi natin sila makikitang magkasamang muli. Nagsalita na rin si Zanjoe at hindi hinayaang si Bea na lamang ang nagsasalita tungkol sa halos paghihiwalay na nilang dalawa.

“Hindi first time na may pinagdaanan ang relasyon namin, pero never kaming natibag, lalo’t hindi naman nawawala ‘yung pagmamahal namin sa isa’t isa,” anang boyfriend na masaya na makasamang muli si Bea sa isang photo shoot.

“Unfair naman na may madamay pang ibang tao sa naging problema namin na hindi naman nag-ugat sa isang third party. Pangkaraniwang pangyayari lang ‘yun sa dalawang magkarelasyon, pero okay na kami ngayon,” dagdag pa nito.

Nyoy mas pinili ang trabaho kaysa sa fiancée

Tama lang ang sinabi ni Nyoy Volante na ang paglabas niya sa Your Face Sounds Familiar ay nagdala ng malaking growth sa kanyang karera hindi lamang bilang isang singer kundi bilang isang artista rin. Kung dati ay sa teatro lamang siya nabibigyan ng pagkakataong umarte, this time ay makikita na siya sa isang serye sa telebisyon. First time niya ang pag-arte sa isang full length role sa isang morning series ng ABS-CBN na pumalit sa Oh My G! ni Janella Salvador na Ningning. Excited si Nyoy dahil kahit hindi pa lumalabas ang character niya sa serye ay nagtala na ito ng mataas na rating sa kanyang pagsisimula.

Naging dahilan din ang bagong trabaho ni Nyoy para maurong ang kasal nila ng kanyang girlfriend na si Nikki na isa ring singer. Mula sa unang plano nilang November wedding this year ay naurong ito sa susunod na taon - February 2016. Mutual decision ito nina Nyoy at Nikki dahil naapektuhan ng kanilang mga karagdagang trabaho ang kanilang paghahanda para sa kanilang kasal.

Nagkakilala sa musical play na Rak of Aegis ang dalawa na nauwi sa isang relasyon na ninanais nilang maging isang mahaba at pang-habang buhay na. May six years old daughter ang bride-to-be niya na hindi nakahadlang para ‘di sila magkatuluyan. Love ni Nyoy ang bata at ganun din ito sa kanya. The girl calls Nyoy dad.

Bukod sa pagiging isang cruise ship singer ni Nikki na naghiwalay sa kanila ni Nyoy ng tatlong buwan ay kasama rin ito sa isa pang musical play na mapapanood sa isang hotel casino. Ito ang Saturday Night Fever na magkakaron ng Asian tour na dahilan din para nila pagpasyahan ang pag-urong ng kanilang wedding.

Kuya Germs binabantayan na ang sarili, ayaw na uli ma-stress

Na-touch naman ako nang makita ko na kabilang sa Grand Fans Day ng GMA si Kuya Germs. In fairness, hindi ko nabibisita sa kanyang Valencia residence si Kuya Germs dahil napakalayo ng bahay ko sa Novaliches. Pero masaya ako na malaman na nakakapunta na siya sa kanyang radio show at nakakapag-taping na rin ng kanyang TV program tuwing Sabado ng hatinggabi.

Kailan lamang siya na-stroke, pero mabait ang Diyos at mabilis ang kanyang recovery. Patuloy pa rin ang therapy niya at ginagawa niya ito religiously, araw-araw dahil gusto pa niyang humaba ang kanyang buhay para marami pa siyang matulungan.

Siya mismo ang nag-aalaga nang husto sa kanyang sarili para hindi siya ma-stress at maipagpatuloy pa ang kanyang trabaho sa tulong nina John Nite, Shirley Fuentes at ilang mga kabataan. Ang ganda ng kontribusyon ng Walang Tulugan with the Master Showman sa programa ng Grand Fans Day na ginampanan ng halos lahat ng kabataan na kabilang sa show sa ilalim ng pamamatnugot ni direk Louie Ignacio.

Kuya inabuso si Enchong!

Parang nagalit naman ako kay Kuya ng PBB (Pinoy Big Brother) dahil sa ginawa niyang “panghihimasok” at paglalantad ng damdamin ni Enchong Dee na guest lang naman sa kanyang Bahay.

Para sa isang napaka-private na tao tulad ni Enchong, hindi maganda ‘yung ginawa niyang pagtrato sa isa nilang artista na walang choice kundi sumang-ayon kahit labag sa kanyang kalooban.

Unfair na pinigil ni Kuya si Enchong na makapag-goodbye sa kanyang dear brother na nakita ng lahat kung gaano niya ka-close.

Tsk. Tsk. Tsk. You don’t do that Kuya to your artist, to anyone of the Kapamilya para lang sa kapakanan ng isang programa ng istasyon. Sorry Kuya, pero foul ‘yun.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ENCHONG

GRAND FANS DAY

HINDI

ISANG

KANYANG

KUYA

KUYA GERMS

NBSP

NYOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with