^

PSN Showbiz

Paulo umamin, lumabas sila ni Bea

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Nauugnay ngayon si Paulo Avelino kay Bea Alonzo. May mga nakakita diumanong magkasama ang dalawa sa isang lugar. “Me and Bea, we are friends. That’s it. Nagkataon lang na nagkita sa labas, may kasamang iba. Tapos ‘yun,” bungad ni Paulo.

“Si Bea kasi sobrang bihirang lumabas. Kapag lumabas siya parang kailangan mo rin lumabas kasi mabibilang mo sa daliri mo kung ilang beses siyang lalabas sa isang taon or bihirang magyaya,” nakangiting pahayag ni Paulo.

Nagkasama sa teleseryeng Sana Bukas Pa Ang Kahapon ang dalawa noong isang taon kaya naging magkaibigan sila. Kamakailan ay napabalitang nagkakalabuan na diumano si Bea at kasintahang si Zanjoe Marudo kaya naugnay din si Paulo sa aktres.

Nakita namang magkasama at sweet pa rin sina Bea at Zanjoe sa isa’t isa sa katatapos pa lamang na Kapamilya Barrio Fiesta event sa London. Apat na taon na ngayong magkarelasyon sina Bea at Zanjoe.

Ken hindi nagsisisi kahit sinuway ang Kuya Gerald niya

Pinasok na rin ng nakababatang kapatid ni Gerald Anderson na si Ken Anderson ang pag-a-artista. Noong una ay ayaw pa raw payagan si Ken ng kanyang kuya dahil sa ilang kalakaran sa show business. “That is true about two years ago. I auditioned for a different station. I got it pero I had to back out. The reason why is because my brother, ayaw niya talaga,” kuwento ni Ken.

Naiintindihan naman daw ng binata kung saan nanggagaling ang kanyang kuya. “I guess he’s just being a kuya. A kuya is going to be there to protect his little brother. He didn’t want me to get hurt. He didn’t want me to see the dark side of showbiz, the toxic side of showbiz,” paliwanag ni Ken.

Wala na raw nagawa si Gerald nang nagdesisyon si Ken na sumabak sa show business dalawang taon na ang nakalilipas. “I told him na, ‘Gerald, I’m a big boy. You don’t have to worry about me anymore.’ You have to stand up when you get pushed down,” giit ni Ken.

Walang naramdamang pagsisisi ang binata sa kanyang ginawa kahit hindi pa rin masyadong sikat sa ngayon. “I’m having a good time. I’m enjoying every day. When I get a project, I’m super excited to wake up in the morning. When I’m tired and I don’t want to go, my brother is the one who gives me motivation na, ‘You have to go. Hindi ka puwedeng tamad-tamad. You got to go,” pagbabahagi ni Ken.

Nakagawa na ng tatlong independent film at nakalabas na rin sa ilang programa sa ibang TV station ang baguhang aktor.    Reports from JAMES C. CANTOS 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BEA

BEA ALONZO

GERALD ANDERSON

KAPAMILYA BARRIO FIESTA

KEN

KEN ANDERSON

PAULO

STRONG

WHEN I

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with