^

PSN Showbiz

‘AM ako, FM siya’ Dennis malabo nang kausapin ni Marjorie; Heart gusto agad makakambal

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK : Malungkot si Sen. Bong Revilla dahil hindi pinagbigyan ng Sandiganbayan ang hiling niyang makadalo sa graduation ng anak niyang si Loudette ngayong araw.

Ga-graduate ng high school si Loudette sa La Salle Zobel at proud si Sen. Bong at Cong. Lani Mercado dahil apat na award ang tatanggapin ng kanilang anak.

Wala naman daw siyang magawa kundi  sundin ang order mula sa korte.

Si Cavite Vice Governor Jolo Revilla ang mag-represent kay Sen. Bong, na dadaluhan din ng buong pamilya.

PAK : Malaki ang kinalaman nang pagiging Mrs. Chiz Escudero ni Heart Evangelista kaya kinuha siyang endorser ng bagong bukas na Uncle Tetsu’s Cheesecake sa may ground floor ng SM Megamall.

Si Heart ang nagbukas nito kamakalawa ng hapon at ingat na ingat siya sa mga sagot niya tungkol sa isyu nila ni Angelica Panganiban.           

Pero masaya si Heart na kinuwento sa press na ang target daw nila ni Sen. Chiz ay magka-baby na sila sa susunod na taon.

Hindi raw niya iniisip ang pangangampanya ni Sen. Chiz kung sakaling tumakbo ito sa darating na eleksyon, kundi mas iniisip daw niya ang magkaroon sila ng baby.

“My priority is to be healthy, to eat right, sleep right, and become a mom. I want to be a mom already kasi 30 na ako. So, it gives me time to decide to have another baby after that,” pakli ng Kapuso actress.

Gusto raw niya sanang magkaroon ng kahit isang baby, pero kung magkaroon daw ng pangalawa, sana kambal na raw ang susunod.

Personal naman niyang inaalagaan ang kambal ni Sen. Chiz sa unang asawa.

BOOM : Hindi natuloy ang paghaharap nina Dennis Padilla at Julia Barretto sa korte kahapon ng umaga.

Ang abogado lang ni Julia na si Atty. Bettina Zamora ang dumating. Na-reset naman ang hearing dahil hindi rin nakarating ang judge na si Judge Manuel Sta. Cruz ng Branch 226 ng QC-RTC. Na-reset ito ng May 22.

Ayon naman kay Dennis nagkausap sila ni Julia at sinabi naman daw sa kanya na aayusin nito sa kanyang abogado na ma-withdraw na ang petition to change name.

Positibo naman si Dennis na maayos ito sa korte. Ang isa lang sana niyang hiling ay maayos na rin ang sa isa pa niyang anak na si Claudia Barretto na kung saan na-grant na ng korte ang pagpalit ng apelyido.

Aminado si Dennis na malaki ang kinalaman ng gap nila ni Marjorie Barrreto kaya umabot sa ganitong gulo.

Wala naman daw siyang balak na kausapin ang dating asawa at makipag-ayos. Ang gusto lang daw niyang makausap at maayos ito ay sa mga anak niya, hindi sa dating asawa.

Sabi niya: “Wala sigurong chance na magkausap kami kasi kumbaga sa radyo, AM ako FM siya. Iba eh, hindi magkakasalubong. Kaya nga umabot sa ganito eh.”

Naawa lang daw siya sa mga anak nila dahil naapektuhan sila sa problema nila ni Marjorie.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

BETTINA ZAMORA

BONG REVILLA

CHIZ

CHIZ ESCUDERO

CLAUDIA BARRETTO

DAW

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with