^

PSN Showbiz

Nora wrong timing ang ginawang pang-aaway kay P-Noy

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Tama lang na mag-alala ang kaibigan kong si Veronica Samio sa maling timing ni Nora Aunor sa pagsama sa isang grupo na nagpapababa sa kanyang tungkulin kay P-Noy. Worry din si Vero na bawiin ni Kris Aquino ang pa­nga­ko niyang pagpapabiyahe ng libre sa Superstar para matuloy na ang pagpapaopera nito sa US at maibalik na ang boses niya.

Hindi naman nakapagtataka kung gawin man ng presidential sister ang ikinawo-worry lalo na ng maraming Noranians na umaasam na maibalik na ang boses ng idolo nila para makakanta na  ito’t makapagtrabaho. Kung bawiin man ni Kris ang pangako niya, hindi malayong gawin din ‘yun ni Boy Abunda. 

Ano na naman ang ginawa mo, Guy?

Coco tuloy ang pag-iipon para sa kinabukasan ng buong pamilya

Talagang pinangangatawanan ni Coco Martin ang pagpapaunlad ng kanyang kabuhayan para sa kanyang pamilya. Bagaman at nabigyan na niya sila ng matitirhan, problema pa rin niya ang magiging kinabukasan nila ka­­pag hindi na niya sila suportado. Siyempre ‘pag may asawa na siya ay ito na ang magi­ging prayoridad nila, pero he hopes na by that time ay wala na silang magiging problema sa buhay. Naihanda na ito ni Coco.

Kapuri-puri ka Coco. Sana nga ay isang ma­gandang buhay may asawa ang sumainyo dahil napakabuti mo. At hindi naman katandaan ‘yung 45 years old na balak mong pag-aasawa.

Iza nagsosolong aktres sa Showdown in Manila

Binabati ko si Iza Calzado dahil gagawa siya ng isang Hollywood mo­vie na dito sa ‘Pinas gagawin. Ito ang Showdown in Manila na nagpa-auditon para sa ilang local actors na nasuwertihan ni Iza. Sayang at isang Pinay lamang ang need ng production. May ilang aktor kasi na pumasa sa audition kasama sina Alvin Anson, Jake Macapagal, Monsour del Rosario,  at Mon Confiado.

                                       

vuukle comment

ALVIN ANSON

BOY ABUNDA

COCO MARTIN

IZA

IZA CALZADO

JAKE MACAPAGAL

KRIS AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with