^

PSN Showbiz

Sunshine pumayag ‘pagisa’ kay Kris!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

May one-on-one interview si Kris Aquino kay Sunshine Cruz sa The Buzz this Sunday. Ayon sa aktres, ang tatlong anak ang nag-request na magpa-interview na siya at pagbigyan na raw siya sa first and last TV interview niya dahil ang kabilang kampo ay one month laman ng TV at dyaryo.

“Ang kids ko ang nag-request. Alam nila ang consequences but they still wanted me to air my side. Kaya I gave it a go,” sabi ni Sunshine.

May pumabor kay Sunshine sa desisyong magpa-interview kay Kris, pero may mga hindi rin sang-ayon dahil ang tatlong anak na babae pa rin ang apektado. Pero kung ang mga anak nga ang may gusto, paano na?

Natawa pala kami sa sagot ni Sunshine sa basher niyang nag-comment ng “mag-jowa ka na ulit. lol.” Ang sagot ni Sunshine rito ay “bakit hindi ikaw ang mag-jowa! Mukhang mas kailangan mo.”

Bahay na naipundar ni Jillian nakapangalan na sa kanya

Pinuri ng fans ang parents ni Jillian Ward dahil na-transfer na sa pangalan ng child star ang rights sa kanilang bahay noong seven years old pa lang siya. Pinost ni Jillian sa Instagram (IG) ang Transfer Certificate of Title mula sa Land Registration.

Sabi ng post ni Jillian: “I could never be more proud of my parents for taking good care of my savings, this was their gift on my 7th birthday and it was the best gift they have ever given next to my costumized Hello Kitty van. I’m so blessed having a parents like them full of love and respect for the family.”

Nakatutuwa na at her age, may sariling house and lot na si Jillan na galing sa pinaghirapan at pinagpuyatan niya sa showbiz. Sana, tularan ng ibang parents na may mga anak na nag-aartista ang parents ni Jillian.

 

vuukle comment

ALAM

HELLO KITTY

JILLIAN

JILLIAN WARD

KAYA I

KRIS AQUINO

LAND REGISTRATION

SUNSHINE CRUZ

TRANSFER CERTIFICATE OF TITLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with