^

PSN Showbiz

Your Face... parang sitcom ang dating

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Sigurado ako na walang kokontra kapag sinabi kong pinakamasayang presscon na nadaluhan ko ‘yung ibinigay ng ABS-CBN para sa bago nilang pa­labas na Your Face Sounds Familiar.

Hindi isang sitcom ang bagong programa ng Kapamilya Network na mapapanood  tuwing Sabado simula sa March 14 and 15. Isa itong variety  show na franchise ng Endemol na siya ring nagpa-franchise ng Pinoy Big Brother na kasalukuyan nang nagbibigay ng audition para sa bago nilang episode. Si Billy Crawford ang magsisilbing host  ng Your Face Sounds Familiar.

Sa programa, walong celebrity performers ang ire-require na i-impersonate ang ilang mga icon, local, at foreigner. Isang linggo bago sila isalang, iri-reveal ng iconizer kung sino ang gagayahin nila. Hindi lamang mga mukha ang kailangang makopya nila kundi maging ang boses, kilos, mapa-lalaki man ito o babae.

Ang walong napili para maging participants ay sina Karla Estrada,  JayR, Tutti Karingal,  6 Cy­cle­­minds, Edgar Allan Guzman, Melai Canti­veros, Maxene Magalona, Nyoy Vo­lante, at Jolina Magdangal. Sa presscon ay nagpasikatan na agad ang mga parti­ci­pant. Siyempre, nangunguna na ang ina ng Teen King na nakakalamang na siya dahil sa rami ng fans ni Daniel Padilla at ma­ging ng Kathniel na susuporta sa kanya sa pamamagitan ng text votes.

Hindi man kasing dami ang fans ni Melai na sinabi niyang baka nagpapahinga na at baka hindi na siya suportahan na tulad ng ginawa nila sa kanya nun sa PBB, still silang dalawa  ni JayR ang itinutu­ring ng mga kasamahan nila na pinaka-malakas.

Nagpa-audition din ng make-up artist ang network na inaasahan nilang magiging kasing husay ni Paolo Ballesteros ng kabilang istasyon at Eat Bulaga na kilala na sa husay mag-make up.

Betong hindi makalimutan ang sampal ni Gladys

May bago ring programa tuwing Sabado ang Kapuso Network na iho-host ng bagong tandem nina Betong Sumaya at Sef Cadayona.

Pinamagatang Sabado-badoo, mag­ta­tam­pok ng mga video ang bagong progra­ma na ihahatid sa isang nakakatawang pama­ma­­ra­an at kategorya. Maituturing itong isang count­down o compilation dahil may mga ek­se­­nang pinagsama-sama na magbabalik ng mga ma­sa­sayang nakaraan. Katulad ng mga pinagsama-sa­mang eksena ng sampalan, ka­bi­lang na ang mga ek­sena ni Betong na kung saan ay pinagsasampal siya nina Gladys Re­yes, Jaclyn Jose, at Cherie Gil. Sa tatlo, si Gladys ang nagbigay sa kanya ng pinakamarami at pinakamasakit na sampal. Halos umugong ang tenga niya, pero hindi siya nagreklamo dahil ‘yun ang hinihingi ng eksena.

Sa kanyang pagtityaga, malayo na ang nara­ting ni Betong tatlong taon makaraan ang pagsali niya sa The Survivor. May tatlo siyang re­gular na programa, Bubble Gang, Ang Pinaka at ito ngang Sabado- badoo. Bagaman at  wala pa rin siyang sariling sasakyan at nagtataksi lamang o-kaya ay sumasakay ng LRT, walang problema rito ang komedyante. Pagkatapos na pagkatapos ng The Survivor ay ipinasyal niya ng Hongkong ang buo niyang pamilya.

Sef walang ilusyon na maging leading man

Pagtatakhan pa ba kung bakit napili si Sef Cadayona na makasama ni Betong Sumaya sa Sabado-badoo ng GMA? Hindi naman ito ini-offer sa kanya. Kahit pa kinikilala na ang pagiging epektibong pagpapatawa niya. Pinagtrabahuhan niya ito. Nag-audition siya para maipakita na karapat-dapat siya sa prog­rama. Nakita naman nila ang effort niya.

Walang ilusyon si Sef na isa siyang romantic leading man. Sa pamamagitan naman ng komedi ay pwede siyang sumikat at makilala, na siya namang nang­yayari sa karera niya ngayon. At hin­di man siya maging matinee idol, may po­sibilidad naman siyang maging karelas­yon ng isang sexy at magaling na ak­tres at mas matangkad sa kanya.  Totoo ba, Sef?

Julia dapat nang makuntento

Makukuntento na si Julia Barretto na makakadalo  sa debut niya ang napakakontrobersyal niyang tiya­hing si Claudine Barretto at ang ama niyang si Dennis Padilla na napagdesisyunan niyang huwag nang palitan at gamitin na niya ng tuluyan ang apelyido nito.

Ang malabong makarating sa debut niya ay ang isa pa niyang tiyahin na dahil sa halos kasabay niya ang birthday ay kailangang pumunta ng London  para makasama sa selebrasyon ang anak nitong si Domi­nique. Wala na namang naririnig mula sa ma­­gandang artista ng anuman na nakakasira sa tu­lu­yang pagbabatian nilang mga Barretto. Hindi na lamang ito makararating sa party ng pamang­kin dahil sa dahilang sinabi niya.

Kailangang makuntento na ni Julia na nagkaka­ayos na ang pamilya niya. Hindi ito magagawa agad-agad. Pero ang mahalaga, nangyayari na ang pag-aayos nila.

vuukle comment

BETONG

NIYA

SABADO

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with