^

PSN Showbiz

Darren hindi maganda ang exposure, sinabotahe?!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Nadagdagan ang mga bumabastos kay Marlene Aguilar sa kanyang sariling Facebook account dahil sa mga paninira niya kay Pope Francis at sa Catholic Church. Walang nakuha na simpatiya ang epal na kapatid ni Freddie Aguilar.

SCENE: Gay counterpart ni Marlene Aguilar ang fashion blogger na si Bryanboy na umeepal at binabatikos din si Pope Francis. Nauungkat ang mga alleged credit card scam ni Bryanboy noong nasa Pilipinas pa siya dahil sa kanyang mga anti-Pope Francis post.

SEEN: Nagagalit sa organizer ng Encounter with the Youth ni Pope Francis sa UST ang fans and supporter ng The Voice Kids runner up na si Darren Espanto dahil hindi ito nadaanan ng mga TV camera habang kinakanta niya ang Tell The World of His Love. Boses lamang ni Darren ang narinig kaya walang idea ang mga tao na siya ang kumakanta.

SCENE: Inawit din ni The Voice Kids grand champion Lyca Gaira­nod ang Tell The World of His Love sa family event na dinaluhan ni Pope Francis sa Mall of Asia Arena noong Biyernes. Unlike Darren, maganda ang exposure ni Lyca sa MOA Arena event.

SEEN: Sintunado ang boses ni Jamie Rivera nang kantahin niya ng live sa Concluding Mass ni Pope Francis sa Quirino Grandstand noong Linggo ang We Are All God’s Children.

SCENE: Most cherished possession ngayon ni Erik Santos ang Holy Rosary at kuwintas na may cross pendant na bigay sa kanya ni Pope Francis nang awitin niya ang Responsorial Psalm sa Concluding Mass sa Quirino Grandstand noong Linggo.

SEEN: Malaki ang posibilidad na makarating sa Roma ang jeepney pope mobile dahil nagustuhan ito ni Pope Francis. Ang jeepney pope mobile ang ginamit ni Pope Francis sa misa niya sa Luneta Park noong Linggo.

SCENE: Hindi dapat pinaghubad si Mark Herras sa mga eksena niya sa episode ng Magpakailanman noong Sabado. In bad shape ang katawan ni Mark na marumi sa paningin dahil tadtad ng mga tattoo.

vuukle comment

CONCLUDING MASS

FRANCIS

LINGGO

MARLENE AGUILAR

POPE

POPE FRANCIS

QUIRINO GRANDSTAND

TELL THE WORLD OF HIS LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with