^

PSN Showbiz

Aminan nauso sa natapos na taon

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Tapos na ang taong 2014 kaya naka-focus ngayon ang lahat sa taong 2015.  Pero sa kabila ng pagtatapos ng 2014, mainit pa ring pinag-uusapan ang nakaraang royal wedding sa pagitan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na ginanap sa Immaculate Conception Cathedral sa Cubao, Quezon City nung nakaraang December 30, 2014.

Since kapapasok pa lamang ng bagong taon, hindi maiiwasan na balikan ang matitinding kaganapan sa showbiz nung nakaraang taon.

Kung ang taong 2014 ay naging Wedding Year sa maraming celebrity couples na sinimulan nina Drew Arellano at Iya Villania in January at tinapos nina Dingdong Dantes at Marian Rivera in December 2014, aabangan naman sa taong ito ang kasalan ng couples na nag-propose last year at nakatakdang ikasal sa taong ito tulad nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista, Cesca Litton at Tyke Kalaw, John Prats at Isabel Oli, Patrick Garcia and Nikka Martinez at iba pa.

Magkakaroon din ng symbolic wedding ceremony on January 8 sa pagitan nina Aiza Seguerra at Liza Diño na ikinasal na sa California, USA last December 8. Ito’y kanilang gagawin para naman ma­kadalo ang kanilang respective families and close friends (in and out of the industry) na hindi nakapag-attend sa kanilang US wedding.

Naging taon din ng aminan ang 2014.  Finally ay inamin din sa publiko ng pop princess na si Sarah Geronimo na sila na ni Matteo Guidicelli. Magkahiwalay ding umamin ng kanilang secret wedding sina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco at ng hiwalay na pag-amin ni Nadine Samonte na kasal na siya sa kaisa-isang anak ng aktres na si Isabel Rivas, si Richard Chua.

Kung hindi man inamin ni Lovi Poe ang naging relasyon niya noon kina Cavite vice-governor Jolo Revilla, Cong. Ronald Singson at maging sa aktor na si Jake Cuenca, personal naman niyang inamin ang relasyon nila ng nobyo niya ngayong si Rocco Nacino matapos silang mag-tour sa Europe noong nakaraang taon.

Inamin din ni Dingdong na una siyang nag-propose kay Marian sa Macau bago ang kanyang ginawang proposal on national television sa birthday presentation ng weekly dance show na Marian.            Hindi rin napigilan ng People’s Champ na si Rep. Manny Pacquiao ang kanyang inang si Aling Dionisia na ma-in lab sa kanyang batang BF.  Hindi rin itinago ni AiAi delas Alas ang muling pagtibok ng kanyang puso sa mas batang nobyong si Gerald Sibayan matapos ang kanyang short-lived romance and marriage kay Jed Salang in 2013.

Umamin din ang Queen of All Media na si Kris Aquino tungkol sa kanilang short-lived romance ni Quezon City Mayor Herbert Bautista.  Inamin din on national television nina Billy Crawford at Coleen Garcia ang kanilang relasyon, maging sina Elmo Magalona at Janine Gutierrez.

Personal ding umamin sa kanilang magkahiwalay na pagbubuntis ang magkapatid na sina Ara Mina at Cristine Reyes courtesy of their respective partners na sina Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses at Ali Khatibi.  Ma­ging ang pagbubuntis ni Melissa Ricks sa kanyang non-showbiz boyfriend na si  Charles Togezaki.

Isang taon ding naitago ng magkasintahang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati ang kanilang pagkakaroon ng anak – si Baby Zion na isinilang ni Sa­rah sa Switzerland. Inamin lamang ng couple ang tungkol sa kanilang anak sa family reality show na It Takes Gutz to be a Gutierrez.

February last year naman nang kapwa aminin nina Luis Manzano at ­Angel Locsin ang kanilang muling pagkakabalikan matapos makipag-hi­wa­lay sa kanilang respective partners na sina Jennylyn Mercado at Phil Younghusband.

Umamin din ang actress-politician na si Alma Moreno na hiwalay na rin siya sa kanyang hu­ling asawang Muslim na si Mayor Fahad Salic ng Marawi.

Hindi rin itinago ni Carla Abellana ang katotohanan na break na sila ng binata ng actress-director na si Gina Alajar – si Geoff Eigenmann. Maging si Andi Eigenmann sa binata ni dating pangulo at ngayon ay mayor ng Maynila na si Joseph `Erap’ Estrada na si Jake Ejercito.

Kahit kailan ay hindi umamin  si Kris Bernal sa naging relasyon nila ni Carl Guevarra pero umamin eventually na hiwalay na sila.

Hindi rin umamin si Aljur Abrenica sa naging relasyon nila ni Louise de los Reyes na siyang naging dahilan ng break-up nila ng dalaga ni Robin Padilla na si Kylie Padilla.

Pagbati

Isang mayapaya at masaganang Bagong Taon sa lahat!

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

ALI KHATIBI

ALING DIONISIA

DINGDONG DANTES

INAMIN

KANILANG

MARIAN RIVERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with