^

PSN Showbiz

GRR TNT magbabalik-tanaw sa 2014

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Huwag kaligtaang panoorin ang Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) nga­yong Sabado alas-nuwebe hangggang alas-diyes ng umaga sa GMA News TV.

Magbabalik-tanaw ang host-producer na si Mader Ricky sa mga nausong kasuotan, ayos nang buhok at make-up nung Taong 2014.  Muli niyang ipapakilala ang mga Pinoy na nakaimbento ng mga gadget na para sa pagpapabata, pagpapababa ng timbang at pampakinis ng balat.

Muling ipakikita ng programa ang mga lugar na puwedeng bakasyunan dahil sa tahimik na kapaligiran, sariwang hangin at masasarap at masustansyang pagkaing nakakapagpalusog.

Bibigyan-karangalan naman ng GRR TNT ang mga atletang nagbigay ng karangalan sa bansa tulad ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa larangan ng boksing, gold medalist sa Archery na si Luis Miguel Moreno, ang mga miyembro ng Guilas sa basketball at tropa ng Azkals sa football.

Itatampok din ang tsikahan ni Mader sa mga artistang nag-trending sa social media dahil sa kanilang mga programa tulad ng Rhodora X, My Husband’s Lover, Niño, Ang Dalawang Mrs. Real at iba pa.

 

vuukle comment

GANDANG RICKY REYES TODO NA TOH

LUIS MIGUEL MORENO

MADER RICKY

MRS. REAL

MY HUSBAND

PAMBANSANG KAMAO MANNY PACQUIAO

RHODORA X

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with