^

PSN Showbiz

Joey de Leon inokray si Korina!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Hindi mahihirapan si Korina Sanchez na hulaan ang tao na tinutukoy ng tweet ni Joey de Leon: Dun sa mga umaasa na lumihis ang bagyo at dumiretso na lang sa Japan eh WAG NAMAN. Pwede namang HUMINA na lang katulad ng utak nung umasa!

SCENE: Hindi nawawalan ng kinasasangkutan na kontrobersya ang mag-asawang Korina Sanchez at DILG Secretary Mar Roxas dahil sa kanilang mga pahayag sa tuwing may mga dumarating na super typhoon sa Pilipinas at nagsimula ito nang hagupitin ng Typhoon Yolanda ang Eastern Visayas noong November 8, 2013.

SEEN: Hindi nag-trending ang #zazagothitched noong Lunes, ang araw na ginanap ang same sex marriage nina Aiza Seguerra at Liza Diño sa Stones and Flowers Retreat House, Sunny Patch Lane, California. Mula sa pinagsamang huling dalawang letra ng kanilang mga pangalan ang #zaza.

SCENE: Ang replay ng Confessions of a Torpe ang inilagay ng TV5 sa timeslot ng The Amazing Race Philippines Season 2 na nagwakas noong Sabado.

SEEN: Ngayon ang grand finals ng Talentadong Pinoy 2014 sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila at mapapanood ito sa TV5 sa Sabado, December 13.

SCENE: Pangarap ni Andrea Torres na magkaroon ng kalendaryo sa 2015 dahil sa kanyang sexy pictorial para sa isang magazine na pang lalake.

SEEN: Ang former PBB housemate na si Rica Paras ang co- host ng pormal na pagsisimula ng 1st Quezon City International Pink Film Festival sa Trinoma noong Lunes. Mahusay ang gay co-host ni Rica dahil naawat nito ang green jokes ng transgender na hindi akma na mapakinggan sa isang public place.

SCENE: Ang 75th birthday celebration noong Lunes ni GMA Network Inc. Chairman and  CEO  Atty. Felipe L. Gozon sa Manila Polo Club. Itinaon sa 75th birthday ni Atty. Gozon noong December 8 ang bookstore release ng kanyang self-titled autobiography book.

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

AMAZING RACE PHILIPPINES SEASON

ANDREA TORRES

EASTERN VISAYAS

FELIPE L

GOZON

KORINA SANCHEZ

LIZA DI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with