^

PSN Showbiz

John Lloyd solid Kapamilya pa rin, nakapag-isip nu’ng nasa Amerika

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Ayos na rin pala ‘yung isyu na iiwan na raw ni John Lloyd Cruz ang ABS-CBN pagkatapos ng kon­trata niya rito. Balita ng isang mapagkakatiwala­ang source na in principle ay sinabi ng aktor na pi­pir­ma siyang muli sa Kapamilya Network. Bukod dito ay wala na siyang masasabi pa dahil masaya ito at abala sa kanilang biyahe ni Angelica Panganiban sa US.

Gob. Vi hinihintay pa ang desisyon ni Luis sa pagtakbo sa Lipa

Ewan lang kung papatusin ni Gob. Vilma Santos ang pakiusap ng mga Lipeños na muli niyang balikan ang pagiging mayor ng Lipa, Batangas. Lub­hang napakaaga pa raw para magkaro’n siya ng pagpaplano na may kinalaman sa pulitika. Sa ngayon, makatapos ang Ala Eh! Frestival ay gusto muna niyang gumawa ng pelikula at malamang ito ang uunahin niya sa mga unang buwan ng 2015.

Malamang hindi rin makapagdesisyon ang go­bernadora dahil hindi pa naman isinasara ng kanyang panganay na anak na si Luis Manzano ang po­sibilidad na pumalaot ito sa mundo ng pulitika.

Kung tatanggapin ng mag-ina ang pagtakbo sa Lipa ay isang malaking pahulaan at palaisipan pa sa lahat.

Meryll nakasungkit ng Italyano habang nag-aaral sa London

Naging maganda para sa lovelife ni Meryll Soriano ang pag-aaral niya sa London dahil na-meet niya ang kasalukuyang nagpapaligaya sa kanya ngayon. Dumating ang Italyanong si Thomas Lazzarani sa bansa para dumalo sa book launching ng coffee table book ni Meryll na ginanap sa Bonifacio Global City kamakailan lang.

Let’s just hope na ang relasyon nila ay hindi makasagabal sa plano ni Meryll na matulungan ang ama sa pagpapatakbo ng negosyo nito dito kapag nakatapos na siya ng kanyang pag-aaral.

vuukle comment

ALA EH

ANGELICA PANGANIBAN

BONIFACIO GLOBAL CITY

JOHN LLOYD CRUZ

KAPAMILYA NETWORK

LUIS MANZANO

MERYLL

MERYLL SORIANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with