^

PSN Showbiz

Blondies na sina Tina at Avy Wells, tsugi na sa karera!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang real-life Barbie dolls na sina Tina at Avy Wells ang ika-apat na natanggal sa The Amazing Race Philippines 2.

Sa nakaraang episode last Saturday, nag-surf ang 8 natitirang mga racers sa Ganaden’s Nook by the Sea sa San Fernando para makuha ang route info na siyang magtuturo sa kanila ng lugar ng ika-apat na pit stop. Una pa rin sa karera ang Dating Couple na sina Matthew Edwards at Phoebe Walker, na na nakasabay pa sa mat ang second placer na team Magkapatid nina Jet at Yna Cruz. Nanalo muli sina Matt at Phoebe ng PHP 200,000.00 mula sa Shell V Power Nitro+. Pumangatlo naman ang mag-amang sina AJ at Jody Saliba na sinundan nila Chefs Roch Hernandez at Eji Estillore at ng Team Nerds na sina Vincent Yu at Ed Manguan sa pang-4th at 5th na mga pwesto. 

Ang team Sexy Besties nina RR Enriquez at Jeck Maierhofer na lamang ang natitirang all-female team sa laro matapos makapasok sa 6th spot. Sinundan sila ng binansagang Miracle Boys ng Race na sina Team Mr. Pogi Kelvin Engles at JP Duray na nakapasok sa 7th spot. Huling nakarating ang Team Blondes kaya naman sila ang pang-apat na natanggal sa karera.

Kahit natanggal sila, nabihag nina Tina at Avy ang puso ng milyung-milyong mga netizens na tumu­tok sa karera. Ito ay dahil sa kanilang kahanga-hangang performance sa Race kahit pa sa una pa lang ay medyo napagtulungan na sila ng ibang mga racer. 

Ngayong linggo, dapat tutukan ng mga manonood ang awayan at bangayan ng nangungunang Dating Couple na sina Matthew at Phoebe. Ma­ka­apekto kaya ito sa kanilang standing sa karera? Maungusan kaya sila ng ibang mga racers matapos ang kanilang sunud-sunod na pagkapanalo? Dapat ding tutukan ang father and son tandem ng 52-year-old na si AJ Saliba at ng kanyang 21-year-old na anak na si Jody matapos silang humakbang sa ikatlong pwesto mula sa 5th spot.

Huwag palampasin ang pinakamalaking reality show sa Philippine TV. Ma­papanood ito tuwing alas-9:00, gabi-gabi sa TV5!

 

vuukle comment

AMAZING RACE PHILIPPINES

AVY WELLS

CHEFS ROCH HERNANDEZ

DATING COUPLE

ED MANGUAN

EJI ESTILLORE

JECK MAIERHOFER

JODY SALIBA

MATTHEW EDWARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with