^

PSN Showbiz

Josiah’s catering nag-umpisa lang sa garahe!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Paano nga ba lumaki ang ngayo’y sikat nang Josiah’s Cate­ring na nagsimula lang noon sa isang garahe? Alamin sa pagsasalaysay ni Karen Davila ngayong araw sa programang My Puhunan.

Ang mag-asawang Boyet at Jet Versoza ang nasa likod ng Josiah’s Catering na naghain ng masasarap na pagkain sa magarbong wedding receptions ng celebrities tulad nina John Estrada at Pricilla Mereilles, Cheska Garcia at Doug Kramer, at Nonito Donaire at Rachel Marcial.

Napilitang maglako ng mantika at magtayo ng karinderia ang mag-asawa nang magsara ang pinagtatrabahuhan ni Boyet noong kapapanganak lamang ni Jet. Makalipas lamang ng ma­ikling panahon, ipinasara ang kanilang karinderia dahil hindi nila pagmamay-ari ang pwesto nito. Sa halip na masiraan ng loob, muling nagsimula ang dalawa at inilipat ang kanilang tindahan sa garahe ng kanilang bahay kung saan ipinanganak ang Josiah’s Catering.

Si Jet ang naging tagaluto at si Boyet ang taga-asikaso ng kanilang set-up sa event. Kahit walang experience noon sa catering, sinubukan pa rin ito ng mag-asawa, hanggang sa dumami ang kanilang kliyente at naging sikat silang caterer sa malalaking kasal.

Ngayon, 20 events na ang kaya nilang serbisyuhan sa loob ng isang araw. Paano nila ito nagawa?

Tutukan na ang katuwang ng Pilipino sa pagsisimula at tagumpay, ang My Puhunan  pagkatapos ng Ana Manuela sa ABS-CBN.

vuukle comment

ANA MANUELA

BOYET

CHESKA GARCIA

DOUG KRAMER

JET VERSOZA

JOHN ESTRADA

JOSIAH

KAREN DAVILA

MY PUHUNAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with