^

PSN Showbiz

Star Magic Ball lapitin ng gulo

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nag-trending worldwide ang unang araw na audition ng StarStruck 6 na nagsimula sa GMA 7 nung kamakalawa lang.

Excited ang mga dating taga-StarStruck kaya sumisilip sila sa audition at tumutulong doon dahil malaki raw ang utang na loob nila sa StarStruck.

Hanggang September 12 ang audition sa GMA 7 ng StarStruck mula alas-diyes ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.

Magkakaroon din ng mga audition sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

PAK: Aminado si Dino Guevarra na naging pariwara siya noon kaya hindi nito nakuha ang malaking mana dapat mula sa kanyang amang nasa Australia.

Meron palang taong malapit sa pamilya ng kanyang ama ang nakakita sa kanya na gumagastos ng malaki sa casino kaya ipinarating ito sa namamahala sa perang mamanahin sana niya. Kaya hindi ito ibinigay sa kanya, at in-invest na lang daw sa ibang negosyo.

Pero ngayon ay malaki ang ipinagbago ni Dino at naging matured na ito. Hindi na niya inaasahan ang manang dapat sa kanya, kundi nagtrabaho na lang siya nang maayos sa tulong ng kanyang long-time partner na si Karen Gabriel.

Ang latest na achievement ng aktor ay ang endorsement ng Indomie Mi Goreng Instant Noodles.

BOOM: Depression daw ang dahilan nang pagwawala ni Billy Crawford sa police station ng Bonifacio Global City sa Taguig, kaya ikinulong ito.

Ang sabi ng ilang taong malapit kay Billy, may matinding problemang dinadala raw ito kaya nagkakaroon ng depression at gusto na raw  niyang magpakulong.

Hindi lang daw ito problema sa kasintahan niyang si Coleen Garcia, kundi meron pa raw ibang mabigat na problemang dinadala nito.

Kapansin-pansin ang madalas na gulong nangyayari sa mga Kapamilya talents tuwing may Star Magic Ball.

AMINADO

BILLY CRAWFORD

BONIFACIO GLOBAL CITY

COLEEN GARCIA

DINO

DINO GUEVARRA

HANGGANG SEPTEMBER

INDOMIE MI GORENG INSTANT NOODLES

KAREN GABRIEL

STAR MAGIC BALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with