^

PSN Showbiz

Dingdong ‘effort’ ang ginawang proposal

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Tama lang na kiligin si Vero Samio sa marriage proposal ni Dingdong Dantes kay Ma­rian Rivera. Biruin mo, napanood ito sa buong Pilipinas! At I’m sure sa marami ring panig ng mundo. Mukhang tinalo nito ang maraming marriage proposals na napanood na natin at ginawa sa TV!

Ang suswerte ng mga babae ngayon.  Kung dati ay sa mga magulang lang nila hinihingi ng nobyo ang kamay nila, ngayon  sa harap na ng libo o milyong manonood. Siguro naman dahilan sa marami ang naging saksi ng proposal mag-iisip sila ng makalawa sa­kali mang hindi maging matagumpay ang kanilang marriage. They will have to exert more effort kung hindi baka mapagtawanan sila ng mga taong sumaksi nang hingin ng lalaki ang permiso ng babae para magpakasal sila.

Jennylyn gusto nang magbagong buhay

Hindi naman pala nagkabalikan sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Kay Jennylyn mismo nanggaling ang denial pero sinabi niyang magkaibigan silang muli ng aktor. Ayaw na raw niya na magkaro’n ng kagalit kaya ‘yung mga pwedeng batiin ay binabati na niya. Pero bakit kaya si Luis Manzano,  hindi pa sila bati?

 

vuukle comment

AT I

AYAW

BIRUIN

DENNIS TRILLO

DINGDONG DANTES

JENNYLYN MERCADO

KAY JENNYLYN

LUIS MANZANO

VERO SAMIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with