^

PSN Showbiz

Marian at Dingdong pakakasal na!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Finally, nag-decide na si Marian Rivera na tanggapin ang alok na kasal ni Dingdong Dantes.

Kagabi sa kanyang birthday presentation sa dance show niyang Marian sa GMA 7, masayang tinanggap ni Marian ang matagal nang inuungot ng aktor na maging legal na siyang Mrs. Dingdong Dantes.

Last year pa raw nag-aalok ng kasal ang aktor pero nanghingi ng extension si Marian hanggang this year.

Kagabi sa Marian, hindi na nagpatumpik-tumpik ang actress. Emotional siya nang sabihin na emotionally and physically ready na siyang maging Mrs. Dantes.

Aktor dasal na lang ang inaasahan

Dasal na lang ang makakatulong ngayon sa aktor na hindi na magagamot ang karamdaman. Ayon sa isang malapit sa anak ng aktor, wala nang magagawa ang mga doctor sa sakit ng kanyang ama kaya ipinauubaya na lang nila sa Diyos ang kapalaran nito.

Ayaw na lang daw nilang sabihin ito sa ibang tao para hindi sila kaawaan. Hindi raw ‘yun ang character ng aktor. Ayaw na ayaw daw nito ang naghihingi ng simpatya.

Kaya handugan na lang natin siya ng isang mataimtim na panalangin.

Actress naging oa ang paghahanda para sa ini-expect na best actress award sa Cinemalaya

Asang-asa ang isang aktres na siya ang mag-uuwi ng best actress trophy sa Cinemalaya awards night ngayong gabi.

Todo ang ginawa niyang paghahanda sa pagdalo niya sa awards night.

Pero base sa mga napanood kong pelikula, mas magaling pa rin sa kanya ang beteranang aktres na may kasali ring pelikula kahit magulo ang kuwento ng pelikula nito at parang nahirapan ang direktor na isipan ng ending.

Parang overrated lang ang acting ni actress na nag-e-expect ng award sa Cinemalaya 2014 na ang obserbasyon ng mga nakapanood ng maraming pelikula this year ay mas maraming mas magaganda noong nakaraang taon.

vuukle comment

AKTOR

ASANG

AYAW

AYON

CINEMALAYA

DINGDONG DANTES

KAGABI

MARIAN RIVERA

MRS. DANTES

MRS. DINGDONG DANTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with