MTRCB may sariling TV show
MANILA, Philippines - Mag-uumpisa na sa Linggo, Agosto 10, 2014, 8:00 p.m. ang MTRCB Uncut, isang infotainment program na tatalakay sa mga usapin sa panonood ng pelikula at television. Ang programa ay isang hakbang ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa pakikipagtulungan ng People’s Television Network Inc. (PTV4) na mas maabot ang mas nakararaming tumatangkilik ng pelikula at TV.
Tatayong mga host ng Uncut ang mga MTRCB Board Member na sina Bobby Andrews at Jackie Aquino-Gavino.
Kabilang naman sa mga segment na mapapanood ay Pulso nina Juan at Juana na hahawakan ni Board Member Gladys Reyes. Makikipag-tsikahan siya sa ilang manonood tungkol sa kani-kanilang mga opinion na may kinalaman sa MTRCB at sa mga adhikain nito; at ang Kita-Keats ni Board Member Carmen “Keats” Musngi na magbibigay ng iba’t ibang nakatutuwang obserbasyon sa mga isyung tatalakayin sa bawat episode.
Ang segment na Prangkahan ang magiging highlight ng programa na pangungunahan ng piling Board Members at inimbitahang mga panauhin mula sa iba’t ibang institusyon na tatalakay sa isyung nagtataguyod sa kapakanan ng pamilya, kabataan, mga kapus-palad, at iba pang mga apektadong sector ng lipunan sa panonood ng pelikula at telebisyon. Si Judy Ann Santos-Agoncillo agad ang pasabog bilang guest nila sa unang episode.
Personal ding sasagutin at haharapin ni MTRCB Chairperson Atty. Eugenio “Toto” Villareal ang mga katanungan at isyung ipinadala ng mga manonood sa kanyang segment na I-Share mo kay Chair.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakaroon ng programa ang MTRCB para mapalapit sa mga manonood at marinig ang kanilang mga reklamo sa kanilang mga napapanood.
“We embarked on this to fulfill or developmental mandate to our primary stakeholders which are the TV viewers and the moviegoers.
“Another goal of ours is to promote audience sensitivity to sectors that are considered vulnerable in media such as the women, children, persons with disabilities, and senior citizens,” pahayag ni Chairman Toto sa isang press statement.
Bukod sa MTRCB Uncut, sundan din sila sa Twitter (@MTRCBgov), Instagram (@mtrcbuncut) and YouTube Channel (MTRCB Uncut); at puwede ring ipadala ang inyong mga komento o suhestyon sa [email protected] kung meron kayong mga reklamo sa mga palabas sa TV at pelikula.
Birthday ni Tita Ethel sinagot ni Mother Lily
Super intimate ang last birthday ni tita Ethel Ramos, ang may hawak ng koronang dean of entertainment press at kilalang talent manager last August 1. Walang artista except sa original movie queen na si Tita Susan Roces.
Ang regular fixtures na mag-asawang Aga and Charlene Muhlach and tita Elvie Gonzales ay absent. Balitang nasa Indonesia sina Mr. and Mrs. Muhlach kasama ang kanilang kambal na sina Atasha and Andres at si Tita Elvie, mother ni Charlene, ay nagpasabi na agad na hindi siya makakarating.
Given na wala si Sen. Bong Revilla na naka-detain sa Camp Crame at ang wife niyang si Congw. Lani Mercado. Maging si Mrs. Andeng Ynares, wife ni Mayor Junjun Ynares ay absent din. Sila ang talagang, umulan at umaraw noong mga nakaraang taon ang makikita mo sa birthday party ni Tita Ethel.
Pero halos kumpleto naman ang mga talent manager na kasamahan ni Tita Ethel sa PAMI (Professional Artists Managers Inc.) last Friday headed by Tita June Rufino, Dolor Guevarra, Shirley Kwan, Malou Choa-Fagar. Present din sina Manay Ichu Maceda, Ms. Pat P. Daza, tita Annabelle Rama, at marami pang ibang kaibigan ni Tita Ethel sa entertainment press at ang mga kapatid, pamangkin at mga apo ng beteranang manunulat.
Sa bagong events place sa Valencia St. na pag-aari ni Mother Lily ginanap ang intimate birthday celebration. Sinagot niya (Mother Lily) actually ang buong party. Mismong ang lady producer ang nag-asikaso sa mga dumating na bisita. Nagpa-cater siya at hindi nawala ang trademark na pagkain sa tuwing magbi-birthday si Tita Ethel, ang laing.
Belated happy birthday tita Ethel. Cheers.
Anyway, ang ganda nang bagong renovate na events place ni Mother na tinawag niyang 38 Valencia. Perfect ang venue para sa mga kasalan, showbiz presscons, at birthday parties.
Jolina busy sa cute na anak
Ang cute-cute ng little boy ng mag-asawang Jolina Magdangal at Mark Escueta na pinangalanan nilang si Pele.
Laging may update si Jolina sa ginagawa nilang mag-ina. Pati paggapang ni baby Pele ina-update ni Jolens sa Instagram. Ipinapasyal na rin niya ang bagets sa mall.
Lalaki ni Mommy D mahiyain
Dahil walang masyadong isyu sa showbiz, big deal na big deal ang pag-amin ni Mommy Dionisia, ang butihing ina ng pambansang kamao Manny Pacquiao na may relasyon siya sa 40-year old guy. Ang say ni Mommy D, mahiyain ang kanyang BF na Michael ang pangalan.
Si Cong. Manny mismo ang nagbuko last week na may BF ang kanyang mader. Very vocal din ang boxing champion na ayaw niya sa karelasyon nito na kabaliktaran naman sa reaction ng misis niyang si Jinkee Pacquiao na maligaya para sa kanyang mom-in law.
- Latest


























