^

PSN Showbiz

I Do ni Juday tuloy na ang pag-ere

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inanunsyo na ni Judy Ann Santos-Agoncillo sa pamamagitan ng isang TV plug na malapit nang ipalabas sa ABS-CBN ang pinakabago nitong reali­serye na I Do, isang orihinal na konsepto tampok ang mga magkasintahang gustong magpakasal.

Ayon kay Juday, na siyang magsisilbing host ng programa, siyam na couples na may bukod-ta­nging love story mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang magiging contestants dito at papatunayan ang kanilang kahandaan para sa buhay mag-asawa sa pa­ma­magitan ng pagharap sa challenges na hahamon sa tibay ng kanilang pagsasama at pagmamahalan.

Sa huli, isang couple lang ang matitira at siyang magwawagi ng P1 milyon, house and lot, at ang kanilang inaasam na grand wedding.

Matatandaang noong Enero, ginanap ang ribbon-cutting ceremony at blessing sa I Do village kung saan titira ang mga kalahok na magkasintahan.

Abangan ang pagsisimula ng ‘journey to happy ever after’ malapit na sa ABS-CBN.

vuukle comment

ABANGAN

AYON

ENERO

I DO

INANUNSYO

JUDAY

JUDY ANN SANTOS-AGONCILLO

MATATANDAANG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with