^

PSN Showbiz

My Destiny hindi binibitawan ng mga manonood

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na bumibitiw ang mga sumusubaybay sa My Destiny na pinagbibidahan ng kinakikiligang loveteam nina Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ngayong gabi, makukuha ni Grace ang phone niya kay Joy. Mag-uusap tuloy sina Matthew (Tom) at Grace (Carla) . May maiisip silang paraan para itago ang relasyon nila kay Joy.

Maipagpapatuloy pa rin nila Grace at Matthew ang relasyon nila. Pero mahahati pa rin ang oras ni Matthew kay Grace dahil kay Joy (Rhian Ramos). Lalabas silang dalawa at aayain nila si Grace na sumama. Habang sina Agnes at Arnold at kakabahan naman sa ibabalita ng doctor sa kanila. Nasa restaurant na sina Grace, Matthew at Joy pero magugulat si Matthew dahil may tatawag sa kanya sa pangalan niya!

Hindi pa rin malalaman ni Joy ang totoong name ni Matthew(Tom Rodri­guez). Maiiyak ng husto si Agnes (Lorna Tolentino) sa ibinalita sa kanila ng Doctor. Iko-comfort siya ni Arnold (Al Tantay). Sa bahay ng mga Perez, pipilitin ulit ni Ruth (Ayen Munji) ang anak na si Jacob (Sid Lucero) para makipagdate. Pagkauwi nila Grace at Joy, sasabihin lang nila Agnes at Arnold ang problema kay Grace. Papayag si Grace na maging donor ni Joy. Makakauwi na rin si Matthew sa bahay nila at ibabalita ni Paul na okay na sila ni Jacob. Dahil malaki ang gastusin, uutang si Arnold sa boss niya pero wala siyang makukuha.

Sa ospital, titingnan na ng doctor si Grace kung magka-match sila ni Joy.

Nasa ospital rin sina Jacob at Ruth. Dahil problemado si Grace, pasasayahin siya ni Matthew. Ipapakilala ni Matthew si Grace kay Mateo.

Sa bahay nila Joy, dadalaw naman si Felix (Marc Acueza) kasama si Let-Let at hihingi ng sorry ang babae kay Joy tungkol sa mga text niya dati.

Pero bago pa masabi ni Letlet ang totoo kay Joy, papalayasin na siya ni Agnes! Magkikita ulit si Grace at Jacob pero hindi na nila maalala ang isa’t-isa. Si Matthew ang magseselos pagkakita sa dalawa na magkausap. Maglalambi­ngan ulit si Grace at Matthew. Curious naman si Joy tungkol sa sinabi ni Letlet na text messages kaya sisiraan na lang ni Agnes si Letlet. Sa labas ng bahay nila Grace, makikita sila ni Letlet at Felix na naglalambingan!

Pagkaalis ni Matthew, kakausapin siya ni Letlet at Felix. Iba-blackmail ni Letlet si Grace at wala ng magagawa pa si Grace kundi sumunod para hindi magsumbong si Letlet kay Joy. Problemado sina Arnold at Agnes sa pera at maririnig sila ni Grace. Sasabihin niya na may solusyon na siya sa problema nila.  

Anong sunod na mangyayari? Abangan gabi-gabi sa GMA 7.

 

vuukle comment

AGNES

AL TANTAY

AYEN MUNJI

GRACE

JOY

KAY

LETLET

MATTHEW

NILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with