^

PSN Showbiz

AiAi naiyak sa mga papuri

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Maligayang-maligaya si AiAi Delas Alas dahil mainit ang pagtanggap kahapon ng manonood sa kanyang unang indie movie, ang Ronda.

Kahapon ang gala premiere ng Ronda sa main theater ng CCP at naloka si AiAi dahil hindi nito inaasahan na dudumugin ng manonood ang screening ng kanyang pelikula.

Napaiyak si AiAi dahil sa sobrang tuwa at sa mga papuri na natanggap niya.

Nakadagdag sa happiness ni AiAi ang balita na pinipilahan din ang Ronda sa ibang mga sinehan na pinagtatanghalan nito.

Malakas na palakpakan ang ibinigay ng audience nang matapos ang Ronda. Bilib na bilib sila kay AiAi dahil bukod sa magaling na comedienne, ipinakita niya na may talent siya sa drama.

Wala si Carlos Morales sa gala premiere ng Ronda. Kung dumalo si Carlos, siguradong matutuwa rin siya dahil sa mga positive feedback sa kanyang performance.

Aliw na aliw ang audience sa mga dialogue ni Carlos. Hindi sila makapaniwala na imbento lamang ni Carlos ang mga linya nito sa pelikula dahil hinayaan siya ng direktor na gumawa ng sariling diskarte.                      

Alfred hindi naiiba ang naging kapalaran Kay Aiai

Natutuwa naman ako dahil magaganda rin ang reviews sa S6parados, ang indie movie na pinagbibidahan ni Congressman Alfred Vargas.

Co-producer si Alfred ng S6parados at hindi sila nagkakaiba ni AiAi na co-producer din ng Ronda.

Tulad ni AiAi, masayang-masaya si Alfred dahil sa good reviews sa S6parados na nagkaroon ng gala premiere sa Ayala Fairview Terraces noong Sabado.

At dahil sa bonggang reviews sa S6parados, marami ang gusting mapanood ang pelikula na official entry sa New Breed Category ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

Ang billing ng pangalan ni Alfred sa S6parados ang unang inurirat ko sa mga nagpunta sa gala premiere.

Naayos na ang billing ng pangalan ni Alfred dahil nakialam ang producer na si Noel Ferrer.

Kung hindi naayos ang billing ng pangalan ni Alfred, tiyak na tatalak ako dahil hindi tama na bida at co-producer siya ng pelikula pero hindi maayos ang pangalan niya sa poster at OBB ng S6parados.

Ritz obvious na pinaboran

Totoo naman na pinaboran si Ritz Azul ng direktor ng pelikula dahil sa umpisa pa lang ng pelikula, ang mukha niya ang nakabalandra sa big screen.

Well, wala tayong magagawa dahil nililigawan nga siya ng direktor ng S6parados na nagpapakitang-gilas kay Ritz.

Hindi inaamin ni Ritz kung binigyan niya ng pag-asa ang direktor na nanliligaw sa kanya. Malalaman natin ang kasagutan kapag natapos na ang showing ng S6parados sa mga sinehan o kapag nasundan pa ang movie project ni Ritz mula sa direktor na nagbigay sa kanya ng unang pelikula.

K-La nakawawa dahil kay Ritz

Special ang billing ng pangalan ni Ritz sa S6parados dahil ito ang kanyang first movie. Introducing ang billing ng pangalan ni Ritz sa S6parados. Paano naman si K-La Rivera, ang ex-dyowa ni Tom Rodriguez na kasama rin sa cast ng S6parados? First movie rin ni K-La ang S6parados kaya may karapatan din siya na mag-demand na lagyan ng “intro­ducing”  ang kanyang pangalan.

 

vuukle comment

AIAI

ALFRED

AYALA FAIRVIEW TERRACES

CARLOS MORALES

DAHIL

RITZ

RONDA

S6PARADOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with