^

PSN Showbiz

Sarah nanalong most beautiful celebrity!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ang aking favorite singer/actress na si Sarah Geronimo ang Most Beautiful Celebrity ng YES! Magazine. Siyempre, tuwang-tuwa si Sarah dahil para sa kanya, malaking karangalan na siya ang napili ng YES! staff.

‘Yun nga lang, nag-babu kaagad si Sarah pagkatapos ng question and answer portion kaya hindi na siya nainterbyu ng entertainment writers.

Nasa listahan din ng Most Beautiful sina Ryzza Mae Dizon, Tom Rodriguez, Iza Calzado, Rocco Nacino, Louise delos Reyes, Alden Richards, Aljur Abrenica, Gary Valenciano, Jericho Rosales, at ang misis nito na si Kim Jones. No-show si Aljur na tiyak na pinutakti ng reporters kung nagpakita siya dahil sa isyu ng pag-alis niya sa GMA 7.

Tinanong si Louise tungkol kay Aljur pero safe ang kanyang sagot. Pinaghandaan ni Louise ang YES! event dahil nanggaling pa raw mula sa Bangkok ang tangerine dress niya.

Si Iya Villania ang host ng Most Beautiful event ng YES! Effective sana na host si Iya kung kinilala muna niya ang  mga artista na kasali sa Most Beautiful List.

Naloka kay Iya ang mga reporter at ang mga bisita dahil hindi niya kilala ang mga ibang mga artista.  Crowd favorite si Ryzza Mae Dizon na  kasali rin noong 2013 sa Most Beautiful List.

Nag-dialogue uli si Ryzza na maganda raw pala siya kaya tuwang-tuwa sa kanya ang mga guest na hindi kinontra ang inclusion niya sa listahan ng mga celebrity na magaganda.

Last year, early bird si Ryzza sa event ng YES! at super late ang mga artista na hindi naman masyadong busy.

For this year, maaga na dumating ang mga invited star dahil maaga ang calltime na ibinigay sa kanila. O baka naman nahiya sila na mapagsabihan uli kaya iniwasan nila na ma-late.

Hindi nag-taping kahapon si Iza Calzado para sa Hawak Kamay dahil binigyan niya ng priority ang Most Beautiful  event ng YES.

Deserving si Iza na mapasali sa list dahil beautiful siya, inside and out. I should know dahil matagal kami na nagkasama noon bilang mga hurado ng Starstruck.

Suot ni Sen. Nancy pinaglalaruan pa rin

Hindi pa rin ako maka-get over sa SONA outfit ni Senator Nancy Binay.

Nakapagtataka na pumayag si Mama Nancy na isuot ang gown na hindi talaga bagay sa kanya at pinaglalaruan sa social media. Ano kaya ang iniisip ng fashion designer na nagbihis sa kanya at naging instrumento para i-bash si Mama Nancy?

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ALJUR

ALJUR ABRENICA

DAHIL

IZA CALZADO

MAMA NANCY

MOST BEAUTIFUL

MOST BEAUTIFUL LIST

RYZZA MAE DIZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with