^

PSN Showbiz

JC katabing matulog sina Meg at Ellen

Rodel Lugo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Waging Male Emerging Star si JC kahit nakaikot na siya sa tatlong channel – from GMA, TV5 at sumikat sa ABS-CBN.

Sobrang busy ng career ngayon ni JC mula nang malipat siya sa Kapamilya Network at meron nga siyang bagong pelikula kung saan kasama sina Erich Gonzales at Enchong Dee, ang Once a Princess na produced ng Skylight Films at Regal Films. Sa pelikula, inamin ni JC na siya ang asawa ni Erich pero hindi naman daw siya kontrabida talaga, “Wala pong kontrabida rito sa movie. Ako lang ‘yung nagiging conflict sa love story ni Erich.”

Nang mapag-usapan ang serye niyang Moon of Desire na kinabibilangan nina Meg Imperial at Ellen Adarna, nabanggit ng poging hunk actor na may healthy competition sa dalawang nagseseksihan at naggagandahang kasama niya. Though wala siyang sinabi kung sino sa dalawa ang mas type ni JC, “Si Meg mabait, tapos si Ellen naman, eh naughty but nice.”

Matagal na ring walang napababalitang girlfriend ang aktor at nang tanungin sa love life nito kung may inililihim ba siyang babae, “Ay hindi, hindi naman, nakatambay ako kina Meg at kay Ellen,” ha ha ha, Sila ‘yung palagi kong nakakausap ngayon. Kahit katabi kong matulog sila pa rin. So, sila muna.” pagtatapos ng aktor nang makausap namin.

Pamilya Padilla nahila ni Daniel

Waging Celebrity Family ang mga Padilla sa Yahoo! Celebrity Awards. Pinataob nila ang Gutierrez Family na international celebs na rin dahil sa kanilang It Takes Gutz to be a Gutierrez ng E! Asia; ang Barretto Family na may maiinit pa ring isyu tungkol sa magkakapatid na Claudine, Gretchen, Marjorie, at ang nakababatang Barretto na si Julia. Kasama rin nilang tinalo ang Eigenmann Family at Magalona Family.

Tinilian din ng husto ang Padilla Family kahit  ipina-flash pa lang sa screen ang mga nominado sa naturang kategorya. Malakas talaga ang hatak ni Daniel at nakatulong ito para manalo sila.

Umakyat ng stage para magpasalamat ang magkakapatid na sina Rommel, Robin, at BB Gandanghari (ang dating si Rustom) na napaka-rare kung tutuusin na makitang magkakasama. Naroon din ang anak ni Rommel na si RJ na sumigaw-sigaw sa pagpapasalamat sa mga tao at asawa ni Robin na si Mariel Rodrguez na umakyat ng stage at tahimik na nakatayo lamang.

Unang nagpaabot ng pasasalamat ang tatay ni Daniel sa lahat ng netizens sa bumoto sa kanila. Sinabi ng mister ni Mariel sa acceptance speech nito na ipaglalaban nila ang karapatan ng mga tao “…at palagi po naming ipaglalaban ang karapatan ng mga kalalakihan, kababaihan, at….” Sabay singit ni BB.

Gumawa ng eksena si BB na halos umalingawngaw ang hiyawan ng mga tao sa buong Arena. “Ako na ‘yan,” bungad niya na parang lola na ang hitsura, marahil ay sa mga nilalagay nitong kolorete sa mukha. “Mula po sa LGBT community, ipaglalaban po naming ang karapatan ng mga gays, lesbian, transgender, bisexual, tayo po at ang pamilya (Padilla) represents the unity of all sexual orientation here in the Philippines.” pagtatapos nito.

 

vuukle comment

BARRETTO FAMILY

CELEBRITY AWARDS

EIGENMANN FAMILY

ELLEN ADARNA

ENCHONG DEE

ERICH

ERICH GONZALES

GUTIERREZ FAMILY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with