^

PSN Showbiz

LJ hindi malimutan ang paglalagay ng contact lens ni Dennis

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Natatawa sina Dennis Trillo at LJ Reyes dahil nali-link sila at dahil ito sa The Janitor, ang 2014 Cinemalaya Directors Showcase entry ni Direk Mike Tuviera. May tsika kasing nagde-date ang dalawa, pero sabi ng aktres, baka kamukha lang niya ang nakita ng tao. Inamin naman ni Dennis na lumalabas siya, pero parang hindi naman daw kamukha ni LJ ang girl na ‘yun.

Kaya lang, lumapit si Direk Mike habang kausap namin si LJ at sinabing nag-request ang aktres ng love scene nila ni Dennis at wi­lling siyang i-reshoot ang eksena sa kama ng dalawa.

Mag-asawa ang role nina Dennis at LJ sa indie at may eksena sila sa kama na pa-tweetum at nagkikilitian sila. Nakakatawa raw ang nasabing eksena at kung love story o adult drama ang tema ng movie at hindi action, puwedeng pahabain at lagyan ng kissing scene o kahit bed scene.

First movie ito nina LJ at Dennis pero nagkasama na sila sa Zai­do ng GMA 7. Naalala nitong habang nasa taping sila, nahirapan siyang maglagay ng contact lens, nagulat na lang siya nang lumapit si Dennis at ito ang naglagay ng contact lens sa kanya. Biniro ng mga reporter si LJ dahil ang tagal na noon, pero naalala pa rin niya.

Star-studded ang cast nito at kahit si Director Mike ay overwhelmed dahil hindi ini-expect na ang sinulat niya sa white board na dream main cast ay matutupad. Nang tinawagan niya sina Dennis, Derek Ramsay, LJ, at Richard Gomez, umoo ang mga ito.

Based sa 2008 bank heist sa RCBC ang pelikula, hindi lang ins­pired at may mga actual event na isinama sa movie at sinamahan ng matinding research, kaya accurate.

Sa August 1 ang start ng Cinemalaya, sa Aug. 2 magsisimulang mapanood ang The Janitor at sa Aug. 4, 6:15pm., ang Gala Night sa CCP Main Theater.

Inayawan ni Tom, sinalo ni Alden

Si Alden Richards na at hindi si Tom Rodri­guez ang gaganap sa role ni Dr. Jose Rizal sa docu­mentary series ng GMA News TV na Ilustrado. Ang schedule ni Tom ang rason para palitan siya ni Alden.

Mag-aabot daw at baka mag-overlap ang Ilus­trado at My Destiny na isa sa mga bida si Tom. Bukod dito, ginagawa ni Tom ang pelikulang Beauty in a Bottle at gagawin din ang movie adaptation ng Larawan at may mga iba pa siyang project.

Bagay din naman si Alden sa role ni Dr. Jose Rizal at hindi problema ang schedule niya dahil wala siyang soap ngayon.

Tapos, hindi na raw matutuloy ang movie nila ni Aljur Abrenica na Cain at Abel.

Pero sayang din na pinalampas ni Tom ang Ilus­trado dahil magandang project ito at papel pa ng National Hero ang kanyang gagampanan sana.

Aiza sasayaw na rin

Magsasama sa isang acoustic flamenco concert ang couple na sina Aiza Seguerra at Liza Diño billed High on Love gagawin sa Music Museum sa August 22.

Sina Aiza at Liza rin ang director at producer ng kakaibang concert at si Mike Villegas ang musical director.

Kung kakanta si Aiza, magpapakita naman ng husay sa pagsasayaw ng flamenco si Liza. Intriguing kung paano i-incorporate ng dalawa at kung anong songs ang pipiliin ni Aiza na babagay sa pagsasayaw ng flamenco ng love niyang si Liza.

vuukle comment

AIZA

AIZA SEGUERRA

ALDEN RICHARDS

ALJUR ABRENICA

CINEMALAYA DIRECTORS SHOWCASE

DENNIS

DENNIS TRILLO

DEREK RAMSAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with