^

PSN Showbiz

Karibal patok sa TFC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos na maudlot ang kasal ng mga pangunahing karakter, patindi pa nang patindi ang mga pangyayari at unti-unti nang nabubulgar ang mga sikreto sa nalalapit na pagtatapos ng TFC Sub-titled Classics Presents: Magkaribal ngayong Hulyo.    

Sa unang linggo, malalaman na ni Gelay (Bea Alonzo) na nagpapanggap lamang na kapos sa pera si Vera (Angel Aquino) na siya ring duda ni Mang Hermes (John Arcilla).  Sinamantala naman ni Victoria (Gretchen Barretto) ang pagkakaalam ng mga kinauukulan na isang con artist pala ang partner ni Gelay na si Mark Laurel (Edward Mendez) at pinapapalitan ang halos lahat ng bahid ng atelier ni Gelay sa nalalapit na Metro Fashion Wear nila. 

Napanood ang episode nung July 5. Tuluy-tuloy ang rebelasyon at lalo pang titindi ang hinala ni Gelay na may pinaplano si Vera sa susunod na linggo sa July 12 (July 13 Pacific time) sa TFC worldwide.  Narinig mismo ng kaibigang si Gigi (Bianca Manalo) ang pag-uusap nina Vera at Victoria. 

Bukod kay Gigi, malalaman din ng dating assistant ni Vera na si Donna (Nina Ricci Alagao) ang tungkol sa pagkatao ni Victoria at Gelay.  Sa linggong ito rin malalaman ang pag-aresto kay Mark na mapipilitang aminin ang lahat.  Sa ikatlong linggo, habang nag­iimpake si Gelay sa kaniyang atelier, hihingi ng tawad si Mark. 

Gusto ring talikuran ni Gelay ang fashion show nila ngunit may kontrata siyang pinirmahan sa Metro magazine. 

Nakiusap naman si Louie (Derek Ramsay) para tantanan na ni Victoria ang dating kasintahan. Samantala, pilit ding umaapela si Caloy (Enchong Dee) para sa isa pang pagkakataon kay Chloe (Erich Gonzales). 

Matutunghayan ang episode na ito sa July 19 (July 20 Pacific time).

vuukle comment

ANGEL AQUINO

BEA ALONZO

BIANCA MANALO

CLASSICS PRESENTS

DEREK RAMSAY

EDWARD MENDEZ

ENCHONG DEE

ERICH GONZALES

GELAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with