^

PSN Showbiz

Kris at Derek gumigimik na lang?!

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Habang patuloy silang nagkikita at nakikita ng tao, hindi talaga maiiwasan na pag-isipan na may namumuo nang ugnayan kina Kris Aquino at Derek Ramsay. Kung sabagay isang magandang behikulo ang “gimik” na pagsasama ng dalawa para bigyan ng palaisipan ang tao kasabay ng walang patid na pagdi-deny nila. Bukod sa nakatutulong ito para pag-usapan ang dalawa, isang magandang senyales din ito na may maasahang ugnayan ang mga kibitzers sa mga pagkikita nila.

Gov. Vi tama ang desisyong ‘wag MAGING sawsawera

Tama lang na huwag nang mag-comment si Gov. Vilma Santos sa isyu ng National Artist na ayaw ipagkaloob ng Malacañang kay Nora Aunor. Baka sabihing nakikisawsaw siya sa isyu. Malagay pa sa alanganin ang interes ng marami na mahirang din siyang National Artist in the future.

Hayaan na lang niya si P-Noy sa diskriminas­yon nito sa mga taga-showbiz at harinawang hindi rin siya maapektuhan nito in the future.

Mommy Divine at Daddy Delfin wala pa ring tiwala kay Sarah?

Hindi na nakapagtataka kung ganyang may relasyon na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ay may mga pagkakataon na kailangan niya itong ipaglaban sa kanyang mga parents.

Kaso nasa tamang edad na si Sarah at alam na niya ang tama sa mali. Ito lang naman ang kaila­ngan niyang ipaintindi sa kanyang mga magulang. Kapag nakuha niya ang pagtitiwala nila ay wala na siyang magiging problema pa. Pero habang nag-a-adjust pa ang mga ito sa relasyon nila, kailangang pareho sila ni Matteo na parang nakatungtong pa sa numero.

vuukle comment

DADDY DELFIN

DEREK RAMSAY

KRIS AQUINO

MATTEO GUIDICELLI

MOMMY DIVINE

NATIONAL ARTIST

NORA AUNOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with