^

PSN Showbiz

Claudine at Atong nakitang magkasama

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Biglang nawala sa IG account ni Claudine Barretto ang photo na kasama niya si Mr. Atong Ang kahapon. Maraming nakakita sa nasabing photo bago pa na-delete na kasama pa ang dalawa niyang anak na sina Sabina at Santino at ilang kaibigan.

May meaning ba ‘yung biglang pagbura sa picture nila? Kaso sa Facebook account ‘di niya nabura.

Maalalang minsan isang panahon ay na-link sina Claudine at Mr. Atong Ang.

Naninira mananagot!

Humanda na ang isang naninira sa mag-asawa na maliga­yang nagsasama dahil hindi ito palalampasin ng mag-asawa.

Patuloy kasi ang pagkakalat ng misteryosong email sender ng mga paninira sa naturang mag-asawa na masayang nagsasama.

Malamang na ilapit daw ito sa kinauukulan.

Hindi na ngayon mahirap mag-trace ng email add dahil madali itong nahahanap ng NBI.

Kaya wait-wait lang tayo sa susunod na magaganap.

Sarah ipapakita ang pagiging winner sa World Music Awards

Boombastic na sorpresa ang hatid ng ASAP 19 nga­yong Linggo (June 8). Pangungunahan ng Movie Queen ng bagong henerasyon at lead star ng inaabangang primetime serye na Sana Bukas pa ang Kahapon Bea Alonzo ang selebrasyon.

May special concert surprise din mula sa The Legal Wife star Maja Salvador kasama si Abra. At hamagalpak sa kuwelang tambalan ng mga bida sa My Illegal Wife na si Pokwang at Zanjoe Marudo. 

Mamangha sa concert performance mula sa World Music Awards Winner Sarah Geronimo; ibibida nina Gloc 9 at KZ Tandingan ang bagong theme song ng  Ipag­laban Mo. Kaabang-abang din ang bagong segment ng ASAP na magbibigay-pugay sa OPM, ang I LOVE OPM. Sa naturang paglulunsad, makakasama ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano ang OPM legend na si Rey Valera. 

Meron ding back to back album launches mula sa X Factor Israel Grand Winner Rose Fostanes, The Voice runner up winner Kla­risse de Guzman, at Ultimate Multi Media Star Toni Gonzaga.

Hahataw naman sa ASAP dancefloor ang mga Kapamilya stars sa magkakasunod na supahdance performan­ces – All out Pinoy Pride world class talents El Gam­ma Penumbra; sa Mardi Gras Festival ma­kakasama ng Primetime Royalty Kim Chiu ang mga hottest models na sina Hideo Muraoka, Ri­gor Gorospe at Sam Adjani; maki-Move Shake and Drop kasama sina John Prats, Rayver Cruz, Nikki Gil, Liza Soberano, Janella Sal­vador, Andrea Brillante, Bugoy Carino, at Gimme 5’ Brace, Joaquin, Grae, John, at Nash. 

Acoustic Sessions naman kasama sina Aia ng Imago at Davey Langit dagdag pa ang ASAP Finest Voices na sina Martin Nievera, ZsaZsa Padilla, Jed Madela, Erik Santos, Angeline Quinto, Yeng Constantino, Juris, Richard Poon, Marcelito Pomoy, Bugoy Drilon, Zia Quizon, Princess Velasco, Paolo Valenciano, at Piolo Pascual.

                               

 

vuukle comment

ACOUSTIC SESSIONS

ANDREA BRILLANTE

ANGELINE QUINTO

BUGOY CARINO

CLAUDINE BARRETTO

DAVEY LANGIT

MR. ATONG ANG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with