^

PSN Showbiz

Geoff hindi mapakali sa hiwalayan nila ni Carla

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Hindi man aminin, halatang apektado sina Geoff Eigenmann at Carla Abellana sa kanilang break-up. Pumayat ang aktres at obvious ito sa close-up na kuha sa kanya sa kanyang mga pictorial.

Si Geoff naman, hindi mapakali, biyahe nang biyahe at kagagaling lang ng Japan, nagyayaya na namang bumalik. Napansin din ng followers nito sa Instagram (IG) na tila gustong magpahaba ng buhok at balbas dahil hindi nag-aahit.

Sana lang, hindi na siya tumaba uli dahil mahirap magbawas ng timbang.

Nawiwili sa kabibiyahe

 

Rocco inaakit mag-japan si Lovi

Hindi man sabay ang pilot airing, magkakatapat pa rin ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon ng ABS-CBN at Ang Dalawang Mrs. Real ng GMA 7. Sinasabing June 2 ang pilot ng soap ng Syete at June 16, naman magsisimula ang airing ng teleserye ng Dos, pero magkatapat ang time slot.

Mabuti na lang at maraming TV sets ang ta­lent manager na si Leo Dominguez dahil mapapanood niya nang sabay ang Ang Dalawang Mrs. Real na ka­sama si Lovi Poe at ang Sana Bukas Pa Ang Kaha­pon na kasama naman ang alaga niyang si Paulo Avelino. Pareho niyang talent ang dalawa at para walang magreklamong may favoritism siya, sabay niyang pa­no­noorin ang soap ng mga alaga niya.

Magkaibigan sina Lovi at Paulo at madalas magsama sa pelikula, tiyak na magkakaroon sila ng friendly kantyawan sa pagtatapat ng kani-kanyang soap.

Speaking of Lovi, nasa Cebu ito kahapon para sa taping ng Ang Dalawang Mrs. Real and this Sunday lang ang balik. 

Samantala, nagyayaya na si Rocco kay Lovi na bumiyahe sila sa Japan, pero siguro naman haha­yaan muna niyang tapusin ng GF ang bago nitong soap bago sila bumiyahe uli.

Bagong Smokey Mountain naghahanap ng member na muslim

Ibabalik ang Smokey Mountain, ang singing group na kinabibilangan nina Geneva Cruz, Jeffrey Hidalgo, Tony Lambino at James Co­ronel. Dahil hindi na puwede ang apat,  pati ang se­cond batch ng members, naghahanap si Prof. Ryan Cayab­yab ng new members na ilu-lauch sa 25th anniversary ng Smokey Mountain.

Extended hanggang May 31 ang audition, pero male singers at Filipino-Muslim, ages 12-15 ang hina­hanap. Nakita ni Prof. Cayabyab na walang re­p­­re­sentation sa music industry ang Fil-Muslim, kaya bibigyan sila ng chance na maging part ng music industry.

Involve ang dating members ng Smokey Mountain sa audition at pumayag silang maging mentor ng mapipiling new members ng grupong pinanggali­ngan. Malaki at maganda ang plano ni Prof. Cayab­yab sa new Smokey Mountain.

For more information regarding the audition, log on to http://www.audition.ph/.

vuukle comment

BAGONG SMOKEY MOUNTAIN

GENEVA CRUZ

JAMES CO

JEFFREY HIDALGO

LEO DOMINGUEZ

LOVI

MRS. REAL

SHY

SMOKEY MOUNTAIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with