Pauleen, walang planong bumalik sa trabaho
Si Danica Sotto ang tinatawag na binding force ng kanyang mga kapatid dahil nga siya ang panganay sa kanilang magkakapatid.
Siya ang madalas utusan ng tatay nilang si Vic Sotto tuwing meron silang gathering.
Hindi raw kasi niya pinararamdam sa ibang kapatid na iba ang mga ito at pakiramdam niya ay trabaho niya bilang panganay na pagsama-samahin silang lahat. Kaya sinisiguro niyang makakapag-reach out siya sa mga kapatid dahil mahal na mahal din daw niya ang mga ito.
Pero ayaw niya naman solohin ang credit dahil gusto rin daw niyang i-acknowledge ang efforts ng misis ng daddy niya na si Pauleen Luna.
Si Pauleen daw kasi ang nagpapanatili ng koneksyon nilang lahat.
Naa-appreciate raw niya ang pagplano nito tuwing may kailangan silang iselebreyt. Pwede naman na kasi sila nitong hindi pansinin dahil nasa tamang edad na silang lahat lalo na at may sariling pamilya na rin naman ang mga ito na meron nang Tali at Mochi ngayon pero ito raw talaga ang nagsisilbing binding force nila.
Wala naman daw perpektong pamilya pero sila ay sa kung saan mas magiging maayos ang lahat.
Kaya masasabi niyang ‘great job’ ang ginawa ng daddy Vic nila ni Oyo Boy sa pagbubuklod pa rin sa kanilang lahat.
Masyado na nga raw maraming nangyayari sa mundo kaya gusto lamang nilang maging masaya lang.
Makikita nga ang closeness nilang magkakapatid kahit iba-iba pa ang nanay nila.
Hindi nga nila pinalagpas ang birthday ni Bossing at kumpleto sila sa birthday celebration nito sa Eat Bulaga nakaraang buwan.
Samantala, abala naman si Pauleen ngayon sa kanyang bunsong si baby Mochi. Wala pa nga itong balak bumalik sa trabaho dahil base nga sa post nito kung saan tila nagta-type si Mochi ay abala pa siya sa ‘nappy changes, burping, pumping, latching, nursery rhymes and a lot of cuddles’ na talagang hands-on mom. Bongga.
- Latest