^

Police Metro

4 nag-iinuman niratrat ng armalite, todas

John Unson - Pang-masa
4 nag-iinuman niratrat ng armalite, todas
Ayon sa pagsisiyasat ng Tantangan-MPS na nag-iinuman sa isang bahay sa Purok 5 Luayon ang limang magkaibigan nang duma­ting ang mga lalaking may mga bitbit na M16 assault rifles at walang habas silang pinagbabaril.
CC/Stock

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang apat na magsasaka na nag-iinuman nang s ratratin ng mga suspek ng M16 assault rifle kama­kalawa ng gabi sa Brgy. Dumadalig, Tantangan, South Cotabato.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jerry Tabamo Yuarata; Ro­nald Orin Vallespin; Argie Villas Villorente; at Marcelo Barnachea Combiz, pawang nasa hustong gulang habang nasugatan ang isang Freddie Reyes Tabamo.

Ayon sa pagsisiyasat ng Tantangan-MPS na nag-iinuman sa isang bahay sa Purok 5 Luayon ang limang magkaibigan nang duma­ting ang mga lalaking may mga bitbit na M16 assault rifles at walang habas silang pinagbabaril.

Nang masigurong napatay ng mga suspek ang mga target ay mabilis na nagsitakas ang mga ito.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung sino ang mga salarin at motibo nang kanilang pagpatay.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with