^

Punto Mo

Disipulo ni Quiboloy, susuko!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

May ongoing negotiation para sumuko na si Tamayong Brgy. Chairman Cresente “Enteng” Canada, isa sa mga disipulo at co-accused ni Pastor Apollo Quiboloy, ng Kingdom of Jesus Christ na nakabase sa Davao City. Mukhang nahihirapan na si Canada na magtago, ‘no mga kosa?

Ayon kay CIDG director Maj. Gen. Leo “Paco” Francisco, ang plano ni Canada na sumuko ay ipinarating ng mga malapit sa kanya sa CIDG RFU11 matapos isuko ng mga ito ang 21 armas na nasa pag-iingat niya. Si Canada ang barangay chairman ng lugar na tinatawag na “prayer mountain” ng religious sect ni Quiboloy, na kasalukuyan ding nagtatago dahil sa mga kasong kinakaharap. Mismooo!

Sanay sa sarap ng buhay si Quiboloy, kaya’t baka mag-isip din siyang sumuko dahil sa hirap ng buhay habang nagtatago, di ba mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sinabi ni Francisco na isang linggo pa lang sa puwesto itong si Lt. Col. Bernard Pagaduan sa CIDG RFU11, subalit nagtrabaho kaagad s’ya. Sa tulong ni Atty. Israelito Torreon, na abogado rin ni Quiboloy ay isinuko ang 21 armas ni Canada “for safekeeping”. Nasa posesyon na ni Pagaduan ang mga armas na isinuko sa Phil-Japan Friendship Highway sa Sasa, Davao City noong Biyernes. Kaya habang nasa custody ng pulisya ang mga armas ni Canada, masasabing makadaragdag ito sa peace and order situation ng Davao City, di ba mga kosa?

Kung sabagay, maraming pulis na ang na-relieve sa PRO 11 sa suspetsang malapit sila sa kampo ni Quiboloy at Tatay Digong. Paano mahuhuli si Quiboloy kung hindi maiangat ng mga lokal na pulisya ang kanilang kamay na bakal laban sa KOJC pastor? Ang sakit sa bangs nito!

Ayon kay Francisco, ang mga isinukong armas ay mga ripleng RMTON .22LR/@@ at ELISC 5.56; DAEW 12 gauge shotgun; revolvers na cal. 38 SWSN, at Taurus Super .38; pistols na 9mm Armscor, Taurus 9mm, CZ 9mm, cal. 5.7 FNH, cal. .380 Colt, cal. 5.7 FNH, 9mm Glock, cal. 45 Colt, cal. 45 PARAO, cal. 22 WLTHR, 9mm PMS, 9mm Metrillo, cal. 357 Metril, cal. 45 STRYV, at 9mm CZ, at cal. 300 WIN RMTON.

Lahat ng mga ito ay nasa custody ni Pagaduan sa CIDG RFU 11 “for proper documentation and disposition.” Di na puwedeng arborin ang mga armas kasi dokumentado at nasa pangangalaga na ng CIDG. Tumpak! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Sinabi Francisco na si Canada ay may kasong una subalit nakapagpiyansa. Kaya lang nang madawit pa siya sa ibang kaso ni Quiboloy, abayyy nagtago na si Canada dahil non-bailable na ang mga ito. Ang pagsuko ni Canada ng mga armas niya ay alinsunod sa direktiba ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil na kumpiskahin ang lahat ng armas, lalo na ang loose firearms, upang isulong ang ligtas na seguridad ng mga Pinoy.

Umani ng pogi points dito si Francisco sa pagsuko ni Canada ng mga armas, ‘no mga kosa? Eh di wow! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Natuwa naman si Francisco sa KOJC dahil sa suporta nila sa “Oplan Paglalansag Omega” ng CIDG para panatilihing matahimik ang Davao City. Igniit ni Francisco na importante ang aktibong partisipasyon ng komunidad at publiko sa laban vs illegal firearms “for a safer, secure nation, dahil ang gusto ng pulis ligtas ka.”

Kapag natuloy ang pagsuko ni Canada, kasunod na kaya si Quiboloy? Dipugaaaaa! Anong sey n’yo mga kosa? Abangan!

vuukle comment

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with